Him 13

158 16 25
                                        


10:22 PM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


10:22 PM

Divide:

Plano boi.

Isang buwan na.

Plano kailangan mo.

---

Gusto kong may maisip na ako na gagawin. Ang hirap na hirap mag-isip. Kung leksyon lang ito, baka may sagot na ako bago ang lahat ng ito pero hindi. Mahirap at hindi ko kontrol ang mga tao kaya hindi ko masasalubong ang gusto kong mangyari. Iyon ay walang masaktan. Alam kong imposible pero kaya kong ubusin ang brain cells ko rito. Isang buwan na akong nag-iisip, wala pa rin akong maisip. Kasi pakiramdam ko, mali 'tong naiisip ko.

Napatigil ako.

Halos lahat ng naiisip kong paraan ay mga mali.

"Hi bebe ko!" Sinamaan ko ng tingin si Side na naglalakad palapit sa akin. Ako lang naman ang mag-isa sa cafeteria ngayong umaga. Hindi pa tapos ang klase ng iba kaya hinihintay ko sila rito habang katitigan ang kahon ng gatas na iniinom ko.

"Heh."

Agad nawala ang ngiti niya at napahawak sa dibdib niya. "Bakit galit ka sa akin? Tungkol ba ito sa pagyayakap ni Saturday sa akin? Dali, beb! Yakapin mo rin ako!" Binuka pa niya ang mga bisig niya kaya umiling ako.

Tinawanan niya ang reaksyon ko at nilapag ang gitara niya sa lamesa. "Huy, Geo. Seryoso ka? Hindi ka galit sa akin?" seryosong tanong niya matapos tumingin sa paligid niya. Seryoso ko siyang tiningnan at inayos ang pag-upo ko. Nakasandal ako sa upuan at napaekis ng mga bisig. Nagmumukha tuloy akong galit sa kanya pero ito na ang pwesto ko kanina pa. Inayos ko lang

"Hindi nga."

O, hindi ang sagot ko pero mas lalong kumunot ang mukha niya, umaktong nasasaktan. "Bakit galit ka?"

Napabuga ako ng hininga. Mabagal din ang pagkurap ko habang nakaangat ang mga kilay ko dahil hindi ako makapaniwala ngayon. Napagkakamalan akong galit dahil sa posisyon ko at sa ikli ng sagot ko. Pero hindi naman ako galit. Para siyang babae. Hays.

"Geo naman eh," pangungulit niya.

Napailing ako. Kukunin ko sana ang inumin ko pero inagaw niya 'to sa akin.

"GEO!" iyak niya pero napasandal na naman ako. Nakanguso na siya sa harapan ko habang nakaangat ang inumin ko.

"Hindi ako galit," mahinahong sabi ko.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon