Him 25

158 16 45
                                        


"First time mo?" tanong niya habang naglalakad kami papasok sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"First time mo?" tanong niya habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Ang alin?" tanong ko rin at pumila na kami. May mga kumakain pa rin pala sa oras na 'to.

"Pagtali ng buhok at sa eatery," sabi niya habang nakatingin sa akin na parang isang batang nagtatanong.

"Double yes," sagot ko kaya napatango siya. Nang makarating na kami sa counter ay tinitnignan ni Style ang mga nandoon.

"Gusto mo ng Sinigang?" tanong niya sa akin habang may tinuturo sa salamin.

"Kung ano ang sa'yo," sabi ko na lang. Napatingin ako sa mga upuan at marami pa namang bakante kaya madali kaming makakaupo.

"Paano kung Papaitan sa akin?" tanong niya.

"What's that?" bulong ko.

"Tuwalya ng goat and laman loob din niya." Napakunot ang mukha ko kaya natawa siya. Humarap siya sa server doon. "Dalawang sinigang at dalawang rice. Dine in."

Nilabas ko ang wallet ko. "Ako na magbabayad."

Napailing siya at kinalkal ang purse niya. "Ako na," sabi niya.

"Ako na," pagdidiin ko.

"Ako na nga."

"Ako na. I'm the guy here."

Iaabot ko na sana ang bayad ko pero narinig ko na naman siya, "Fuck gender roles. Not because you're the guy here, I have no right to pay. Hindi palaging ikaw ang magbabayad. Meron akong pera kaya hindi naman labag sa kalooban ko na ako magbayad," bulong niya kahit hindi niya ako hinaharap. Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi niya. Inabot na niya ang bayad kaya humarap siya sa akin.

"Did you get my point?" tanong niya pero nakatingin lang ako sa kanya. "I'm not saying na not all the time ako magbabayad pero hindi rin na pwedeng ikaw ang magbabayad. Can we just live equally? Without saying lalaki ka dapat ganito. Babae ka dapat ganito like that. Pero kung gagawin mo 'yun dahil gusto mo, why not."

"Ito na po ang order niyo. Thank you."

Kinuha ko na ang tray namin kaya napatingin siya sa akin. "Gusto ko." I was referring to carrying the tray. "Kuha ka spoon and fork," mahinang dagdag ko.

Nang makaupo na kami sa upuan ay nilapag ko na ang pagkain namin. Nilagay din namin ang tray sa bakanteng table na kinuha naman ng crew doon.

"So, it's your first time na pagtali ng buhok. Bakit parang expert ka na?" tanong niya pagkaupo niya sa harapan ko at inabot sa akin ang utensils.

"Inaalala ko lang 'yung ginawa ng barkada ko," sabi ko habang tinutusok-tusok ang kanin ko.

"Hmmm?" Napasulyap ako kay Style na humihigop ng sabaw. She was looking at me like she wanted me to continue what I was saying. "Sino?" tanong niya at nagsimula siyang kumain. Parang handa ring makinig sa sasabihin ko.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon