[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Days turned into weeks, ito na. First day of school as 2nd year. Pagkarating ko sa hallway para hanapin ang mga kaibigan kong sakit sa ulo pero mukhang wala pa rito. Ang daming tao at pilit kong dumaan na walang sinasaging nilalang dahil ayaw kong maramdaman ang mga balat nila.
Napapakunot na ang noo ko dahil hindi ko sila makita. Naasan na ba sila? Ang alam ko ay ayaw nilang nalalate lalo na si Side. Halos siya na nga ang magbukas ng school.
Late ko nalang narerealize na baka late ako sa pagkikita namin. Pero hindi pa naman ako late sa mismong klase ko.
Tumigil ako sa paglalakad para kunin ang phone ko. Baka nagchat muna sila sa group chat namin.
Iba na naman ang hanging pumalibot sa akin nang napangiti ako dahil nagchat pala si Saturday. Pero napapakunot na ang noo ko dahil sunod-sunod na message ang lumalabas sa notifications ko.
Pagbukas ko ng convo namin ay agad naglaho ang ngiti ko sa nakita ko.
---
Saturday Sundays
7:32 AM
---
Napakunot ang noo ko. Ano 'to? Iba na ang pangalan ng group chat namin pati rin ang group picture dahil mukhang si Saturday ang nagcha-chat sa akin. Nadismaya ako at saglit na naibaba ang phone ko. Napabuntong-hininga ako sa pinaggagawa nila. Umagang-umaga, nabadtrip ako. Wala akong choice sa oras na ito. Nangyari na ito at wala na talaga akong magagawa.
Kung meron man, iyon ay magbackread sa kagaguhan nila.