[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"SINONG HINDI NATULOG?"
Napabangon tuloy ako sa pagkahiga sa mga bisig ko. Pinatong ko nalang sa palad ang panga ko dahil sa sigaw ni Vertex. Pilit kong idilat ang mga mata ko pero ang bigat-bigat talaga.
"SINO ULIT ANG HINDI NATULOG?"
Hindi natuloy ang paghulog ng ulo ko dahil agad ko itong binalik matapos dumulas sa palad ko. Sumigaw din naman itong si Dom sa tabi ko kaya pilit kong ibangon ang katawan ko. Hindi rin madilat ang mga mata ko dahil mukhang nasisilaw ako sa paligid ng cafeteria.
"SINO ANG NAPUYATㅡ??"
"Can you please stop?!?"
Bago pa matapos ang pagsigaw ni Venn ay galit kong tinanong 'yun. Natahimik sila, sa wakas.
"Ingay niyo kasi. Tsk." Narinig ko rin ang pagkadismaya ni Ever sa tabi ni Vertex. Nagdaldalan na naman sila kaya hindi ko na sila pinansin.
Napahiga ako sa bisig ko. Inaantok pa rin talaga ako. Buong umaga, nakapikit lang ako habang nakikinig sa mga discussion. Nakayuko nga lang din ako. Naalala kong nilagyan pa ako ni Reddie ng ballpen sa kamay habang tulog para raw magmukhang nagsusulat ako habang nagdidiscuss sa isang subject na magclassmate kami.
Mabuti, medyo effective 'yun kaya umabot na ang lunch at pilit kong bumabawi ng tulog.
Nakalimutan kong ibalik ang earbud ng babae kanina sa sobrang antok. Ngayon ko lang naalala bigla. Naiwan ko 'yun sa mesa ko sa bahay dahil nagmamadali akong naligo. Baka ibalik ko na lang kung magkita kami ulit. Simula bukas, dadalhin ko na para sa mga pagkakataon kung magtatagpo kami. Hindi ko rin siya mahahanap dahil hindi ko siya kilala.
Bakit sobrang pamilyar niya? Kung hindi lang siguro ako inaantok, siguro nakilala ko na siya.
"Oh anong nangyari d'yan?" Narinig ko ang boses ni Side.
"Ewan ko ba. Baka hindi nakatulog nang maayos," maayos na sagot ni Reddie.