Her 59

147 14 8
                                        

"Kailan ka uuwi?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kailan ka uuwi?"

Inipit ko ang phone sa balikat ko para hindi mahulog. Bitbit ko kasi ang mga ibang box na pinadala rito sa bagong bahay namin. Lumipat kami last two weeks kaya medyo wala pa masyadong gamit sa loob pero may mga furnitures na.

"I guess, Friday pa. Kung hindi naman importante ang brand na balak pumasok sa Metromall, uuwi na lang ako para makasama kita eh."

Binaba ko ang maliit na box sa lamesa, "Metro, tinatanong lang kita kung kailan ka uuwi, hindi ko sinabing takasan mo ang client niyo," sabi ko kaya natawa siya sa kabilang linya. Dalawang araw pa lang siyang wala, namimiss ko na agad siya. Medyo hectic na ang schedule niya dahil sa mga sunod-sunod na sikat na brand na pumapasok sa mall.

"Ikaw? Kailan ka babalik sa clinic?" tanong niya.

"Siguro, next week. Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon," pag-aamin ko. Siguro dahil naninibago pa rin ako sa laki ng bahay. Sanay naman akong mag-isa at umuuwi naman si Geo kaso ngayon ay busy siya. Sadyang naninibago lang ako sa bahay or sadyang iba pang ang nararamdaman ko these past days.

"Ha? Kailan pa? Uuwi na ako," nagmamadali niyang sabi.

"Hey, chill. Medyo naninibago lang ako sa bahay. Okay lang ako. Papunta ngayon sina Frankee at Sery, sasamahan ako ngayon," pagpapakalma ko sa kanya.

"Pero, I want to see you," malungkot niyang sabi kaya napabuga ako ng hininga. 

"Kaunting tiis lang, okay? Uuwi ka rin naman at malaking opportunity ang hinaharap mo ngayon. 'Yun muna atupagin mo ha? I will be always here. I'll wait," sabi ko.

"I love you." Napangiti ako at binuksan ang kahon. 

"I love you."

"Pero uuwi talaga ako."

"Geo!" sigaw ko at napahawak sa noo ko. Sumasakit talaga ulo ko sa kanya.

"Bukod sa Geometry na branch ng mathematics, Geometry ka ring masakit sa ulo," sabi ko kaya tumawa siya sa kabilang linya. Napailing na lang ako habang napahaplos sa kwintas na suot ko.

"Pero ikaw pa rin ang pipiliin kong sakit sa ulo kasi ikaw ang asawa ko," sabi ko na lang kaya narinig ko siyang huminga nang malalim.

"Kung ayaw mong umalis ako rito, huwag ganyan ang pananalita mo," seryoso niyang sabi habang napapangiti akong kalkalin ang mga gamit ko noon sa kahong pinadala sa akin nila Mom.

"Whyyyy? I miss you.." Pinipigilan ko ang tawa ko dahil sa pananalita ko. Mukhang mabilis na ang paghinga niya sa kabilang linya kaya umupo ako sa sofa ng sala at humiga roon.

"Geo.." I mentioned his name sensually. "I miss you inside meㅡ"

"Puta.. huwag muna, Style. Argh.. shit.." putol-putol niyang sabi na lalong bumigat ang hininga niya. 

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon