[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"I told you, dapat umamin ka agad," seryosong sabi sa akin si Divide pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Hindi ko kayang tumingin sa ibang tao dahil pakiramdam ko, mali ako.
Mali ata ang mga ginawa ko. Ewan ko.
"Kumain ka, boi. Ilang araw ka nang ganyan," nag-aalalang sabi ni Side at iaabot sana ang pagkain niya pero tumayo ako at naglakad papalayo.
Bakit ang hirap umahon sa iniisip ko?
Hindi ko mapigilang mapaisip. Kung umamin ba ako dati ay hindi ako maguguluhan nang ganito?
"Geo, ano bang problema mo?" Napatigil ako sa paglalakad palabas ng building namin nang marinig ang galit na boses ni Dom. Siya na ang naglakad papunta sa harapan ko para harangin ang nilalakaran ko.
"Tatlong linggo ka nang ganyan." Napayuko ako habang nakikinig sa mga sasabihin niya. Gusto ko lang naman ng space. Ipapakupas ko muna ang mga gumugulo sa utak ko. Sumasakit din ang ulo ko at hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
"Kung kailangan mo ng kausap, andito naman kami eh. Nag-aalala na kami sa'yo. Hindi ka na nagsasalita. Ni hindi ka na rin kumakain ng lunch. Nababalita ko pang hindi ka na nakakafocus sa klase."
Napapikit ako at huminga nang malalim. I don't know what to feel. Sinusubukan ko mang kausapin sa kanila pero lahat ng mga bumabagabag sa akin ay naglalaho nang may kasama ako pero may gumugulo pa rin sa dibdib ko. Kung mag-isa naman ako, doon naglalabasan kaya hindi na ako nakakatulog tuwing gabi.
"Hindi mo nirereply-an si Style. Palagi siyang lumalapit sa amin para hanapin ka pero palagi kang nawawala. Hinahanap ka niya pero hindi ka raw niya mahagip. Nakakalimutan mo na ba? May girlfriend ka." Napaangat bigla ang tingin ko sa kanya. Putangina. Sa sobrang gulo ng buhay ko ay nakalimutan ko na siya.
Hindi na ako nakapagsalita sa harapan ni Dom at pinuntahan si Style sa building nila. Malapit na ang labasan nila kaya umupo ako sa bench sa harapan ng building at kinuha ang phone ko. Kahit dala ko pa rin ang phone ko ay hindi ko 'to ginagamit. Masyado lang gugulo kung may iba pa akong gawin.
Marami-rami ang chats niya sa akin kaya napahawak ako sa noo ko. Nakayuko akong binabasa ang messages niya na nagpupunit sa puso ko.