[EDITING]
South Orwell Series #1
Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bakit naiba na 'to? Ano ba sinubstitute mo para mawala 'yung term na 'to?" tanong ni Style habang nagsosolve ako ng mga problem sa book. Nandito kami sa student's lane ngayon. Pasukan na naman at kaming dalawa pa lang andito dahil ang ibang sakit sa ulo ay may pasok pa. Nakapatong ang pisngi niya sa bisig ko at pinapanood akong magsulat sa papel.
"Meron kayong quiz, 'di ba? Magreview ka na diyan," sabi ko kaya bumangon na siya para basahin ang medical books sa harapan niya.
Suot na niya ang Allied Health uniform niya. She really looks pretty, wearing her all-white uniform with her half-ponytail hair.
Hindi ko napansin na pinapanood ko na siyang magreview hanggang sa napansin kong ginagalaw niya ang suot niya sa beywang. "You okay?" tanong ko.
"Kingina naman kasi, ang dami mong pinapakain sa akin. Tumaba na tuloy ako ng 2 kilograms!" inis niyang sabi sa akin.
"Kahit 10 kilograms pa dumagdag sa'yo, ikaw pa rin ang pinakamaganda," sabi ko at pinatuloy ko ang pagsosolve sa papel ko.
"Suuus. Words mo." Nagmake-face pa siya bago magpatuloy sa pagbabasa kaya napangiti ako.
Hindi pa umaabot ng oras ay napaangat ang tingin ko nang makita si Frankee sa harapan ko. Napaangat ang mga kilay ko biglang bati sa kanya. "Hi Geometry, nasaan si Divide?" tanong niya kaya napaangat ang tingin ni Style sa kanya bago napatingin sa akin.
"Palabas na sila ngayong 3 PM," sagot ko kaya napatango siya. Wala akong magets sa kanila. Ang gugulo nilang apat. "Upo ka muna. Dito 'yun didiretso," sabi ko at tinuro ang upuan sa harapan ko.
"Okay, thank you," nahihiya pa siyang umupo sa harapan namin dahil sa tingin ni Style sa kanya. Pagtingin ko kay Style ay napatingin din siya sa akin at tinaasan ng kilay. Umiiral na naman pagkaattitude nito.
Napaubo ako bigla. "Frankee, si Style," pakilala ko kay Style sa tabi ko. "Girlfriend ko," dagdag ko at biglang kumupas ang inipong pagtataray ni Style at ngumiti kay Frankee.
"Style, si Frankee. Girlfriend ni..." napatigil ako sa pagsasalita dahil nanlaki ang mga mata ni Frankee. Nawala rin sa isipan ko kung kanino ba talaga siya.
"Sino ba talaga?" natatawa kong tanong sa kanya at namula ang buong mukha niya. Napakurap pa siya bago napaiwas ng tingin.
"Hi Frankee!" Nilahad ni Style ang kamay niya at kinuha ito ni Frankee. Medyo nagdadalawang-isip pa siya pero sa mga mata niya ay parang may inaaalala siya kay Style.
"Hi Style.." Mas lalong naningkit ang mga mata niya parang may inaalala. Napabuga ng tawa si Style bago lumuwag ang hawak sa kamay niya kaso napansin niya ang nail art ni Frankee kaya hinawakan niya ulit ito para tingnan.
"Saan ka nagpapanail art?" mabilis na tanong ni Style kaya biglang nagningning ang mga mata ni Frankee.
"Sa Bluebelle!" excited na sagot ni Frankee kaya napalundag nang paulit-ulit si Style.