"Ha?"
"Alamin mo kung ano susuotin niya pag-Sockie Blast."
"Ha??? Nino?"
"Niya."
"Niya?"
"Niya."
"Niya?"
"Oo, niya."
"Ba't lutang si Side ngayon?" tanong ni Reddie habang umiinom ng Yakult. Nasa student's lane kami ngayon at hinihintay na lang si Side kung saanman. Sabay-sabay na kasi kaming uuwi ngayon except sa dalawang walang label. Nauna na sila dahil aayusin pa nila kung ano ang susuotin nila.
Medyo nakokonsensya na tuloy ako na inutusan ko si Side. Nabanggit niya kasi dati bago ang pagkalasing niyang naganap ay may aalamin siyang costume. Hindi ko alam kung kanino pero nakisuyo na rin ako para alamin kung ano ang susuotin niya.
"So stressed." Napasandal pa si Dom kay Venn na kasalukuyang may nilalaro sa phone niya. Pilit ilayo ni Venn ang ulo ni Dom na nakasandal sa kanya pero hindi siya makagalaw dahil baka mapahamak ang nilalaro niya.
"Haluuu!" Napatingin kaming lahat kay Saturday na bagong dating. Pagkalapag niya ng bag niya ay nakipag-apir siya kay Reddie.
"May Yakult pa ako! Gusto mo?" tanong pa ni Reddie at agad tumango si Saturday.
"Kanina pa kayo rito?" tanong ni Divide na galing sa ibang direksyon. Umupo pa siya sa tabi ni Dom. Sumandal din siya kay Dom kaya napasigaw si Venn habang naglalaro.
"Si Side na lang hinihintay," sabi ni Dom na nakapikit. Napatango na lang din si Divide at inayos ang pagkahiga niya kay Dom.
"Tapos mo na ba 'yung painting?" tanong ni Reddie kay Saturday kaya napailing siya.
"Hindi pa tapos pero matatapos na." I don't know about those things. Sila lang nagkakaintindihan about arts.
"Hi Geo!" Naibalik ko ang tingin ko kay Sat dahil nakangiti siya sa akin.
Kumaway at ngumiti rin ako pabalik. "Hi Sat, how's your day?" Like the usual thing I do. Dahil sa tanong ko ay napatingin silang lahat sa akin. Napabangon bigla si Divide at Dom.
"Peaceful...?" nag-aalanganing sagot niya at awkward na tumawa. "Medyo nabusy pa rin sa pagfifile ng pag-alis sa nomination. Ayaw nila tanggapin eh." Pinoproblema pa rin niya ang pagtakbo niya biglang officer. Marami kasing may gusto sa kanya na tumakbo.
"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong ni Divide.
"Ayaw ko. Kasi for sure kapag maging busy ako roon, wala na akong time sa inyo," malambing niyang sagot at niyakap si Reddie mula sa tagiliran nito. Niyakap din pabalik ni Reddie si Sat gamit ang isang bisig niya kaya napahighik sila roon.
BINABASA MO ANG
Geometric Style
Юмор[EDITING] South Orwell Series #1 Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...