Her 45

116 15 18
                                    


One thing I knew after that scene; he was tattooed in my brain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One thing I knew after that scene; he was tattooed in my brain.

Hindi na ko makakilos dahil kahit saan ay nakikita ko siya. hindi ko alam kung sinasadya ba niya 'yun pero tuwing nakikita ko siya ay hindi ko na natutuloy ang mga plano ko.

"And..." Napatigil ako sa pagsasalita sa mga uutusan ko dahil nakita ko si Metro na nakasandal sa lockers. Patingin-tingin pa siya sa taas hanggang sa binaling niya ang tingin niya sa akin ay napaangat ang gilid ng labi niya na nagakunot ng noo ko. Lumipat ang tingin niya sa mga kasama ko kaya napairap ako at napabuga ng hininga. Pinunit ko ang papel na hawak ko at iniwan ang mga kasama ko roon.

Hindi lang ganun ang nangyayari!

"Sipag mo naman magtanim." Tumango-tango pa siya na nagpainis lalo sa akin.

"What?!?" sigaw ko. Bakit ba kasi nagpakita 'to? Busy ako sa pagpapahiya sa babaeng 'to kasi nilagyan ng alikabok ang sapatos ko!!

"Ang lawak na kasi ng taniman mo ng sama ng loob."

PISTING YAWA.

Gusto ko siyang suntukin sa sobrang inis.

Masasabi ko ang mukha akong anghel sa oras na ito dahil tahimik lang akong nakikinig sa discussion at wala pa akong ginagaang katarantaduhan kay Saturday. Kaso 'yun nga. Wala akong ginagawa kaya naninibago ako. Kahit nga nasa loob ako ng classroom ay pakiramdam ko, pinapanood ako ni Metro.

Sinubukan kong magplano ulit na mag-isa ako dahil mukhang hindi na susuko si Saturday lalo na't napapansin kong palagi na silang magkasama ni Minute.

Napatigil ako sa pagtatype ko sa phone nang kusang tumigil ang mga paa ko nang makita si Metro sa kalayuan, na nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakahinga nang maayos kasi naglakad siya palapit sa akin. Ano na naman ang kailangan nito?

Sinamaan ko lang siya ng tingin kahit nawawala bigla ang galit ko sa kanya. Nagblangko kasi bigla ang utak ko nang malanghap ang amoy niya. Yawa, ba't ba ang bango-bango nito? Naliligo ba 'to ng pabango?

Nang makita na nang tuluyan ang buong mukha niya nang malapitan ay tuluyan akong namanhid. I mean, just look at his face and feel his aura! He looks like a freaking god of his own kingdom! I don't want to say this but he almost capture my heart like Loki, Thor, Captain America, Iron Man, Quicksilver, Hawkeye or Spider-Man did! Look at his face! Pisti, sana all clear skin! Wala nga akong makitang pores! Kalmado lang ang mga mata niya, matangos ang ilong at demonyo, ang ganda ng porma ng labi niya! Kahit hindi lagyan ng liptint ay mapula pa rin ito.

Tangina, why do I sound like I'm falling?

"You're blocking my way," he said coldly without looking at me.

TANGINA.

Hindi ako nakareact agad dahil sumunod bigla sa kanya. Mukha akong alipin bigla kaya nakita ko ang maliit niyang ngisi, na parang nag-eenjoy sa pinaggagawa niya sa akin.

Geometric StyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon