"Nang.."
"Lai, kaunting tiis lang ah?" Nahawak ako lalo sa kamay ni Nang Beth at nagpumilipit ako sa sakit. Nakahiga na ako habang hawak-hawak ang tiyan ko. Humihilab na parang may nangyayari sa loob nito. "Mawawala na 'yan kapag nagbawas ka na." Naniniwala ako kay Nang Beth. Hinaplos niya ang buhok ko.
May pinapainom sila sa aking supplemental drink na nagpapabawas ng timbang. At ang sakit din ng katawan ko matapos akong ipapasok sa private gym class. Hindi ko naman inexpect na ganito kasakit ang magiging epekto sa mga iniinom ko.
"Nang, ayoko na po.." bulong ko at halos pigain ko na ang tiyan ko sa sobrang sakit.
"Magiging okay ka rin.." bulong din niya. Huminga ako nang malalim. May tiwala ako kay Nang Beth at alam kong mawawala rin 'to.
Kung dati ay hindi ako pinapansin ng mga magulang ko, ngayon ay halos pinapanood na nila ako sa bawat galaw ko. Minomonitor nila ang bawat paghinga ko. Nakakainis. Hanggang pagligo ay pakiramdam ko may nagsasakal sa akin at nanonood. Nakakapraning lang. To the point na maiiyak na naman ako habang sinasabihan ko ang sarili ko na kaya ko pa 'to.
Hindi ko alam kung ilang linggo na ang nakakalipas at pakiramdam ko, pahigpit nang pahigpit na sila sa pagsakal sa akin. Pumapasok akong pagod, uuwi rin akong pagod.
Hindi na rin ako nagpapakita kina Minute. Halos hindi na rin ako makapagsalita roon dahil wala naman akong makakausap. Parang layo-layo na ang mundo ko sa iba.
Buong 2nd year highschool ay tinitiis ko ang sakit. Kay Nang Beth na ako kumakapit at nagpapalakas ng loob ko. Nawawalan na ako ng ganang kumain dahil sa paghigpit ng magulang ko. Kung kakain man ako ay magtitira si Nang Beth ng pagkaing niluluto niya at palihim na binibigay sa akin.
Habang iniinom ko pa ang supplemental drink na binibigay nila sa akin ay pumapasok ako sa Gym. Mabuti na lang mabait ang babaeng Gym Instructor ko at isang buwan lang pala ang usapan ng magulang ko dahil magsasarili na raw akong mag-exercise.
"Nakikita mo 'yung mga hotties doon?" tanong ni Ms. Marideth, ang Gym Instructor ko. Tiningnan ko ang mga lalaking nagg-gym doon. Hindi ko sila mabilang kung ilan sila pero marami sila. May isa ring babae silang kasama na nasa treadmill.
"Magbabarkada sila tapos ang hot nung lalaki na 'yun oh!" Kininikilig pa niyang tinuro ang isang lalaki na seryosong naglilift ng weights. Napansin kong tahimik lang siya samantala ang iba niyang kasama ay nagtatawanan.
"I forgot his name pero tinitingnan ko naman sa logbook." Napatigil ako sa pagsit-ups at napatingin ulit kay Ms. Marideth.
"Taga-saan po ba sila?" Medyo close din naman kami ni Ms. Marideth kaso magpapaalam naman ako next week at nakakalungkot lang. Habang hinihintay ko ang sagot niya ay pinatuloy ko ang pag-s-sit-ups ko.
"Sure akong sa South Orwell sila." Napabangon ako bigla. May naalala lang ako sa lugar pero napailing ako para ibalik ang focus ko sa pag-e-exercise.
"2nd set," sambit ni Ms. Marideth at sunod-sunod na ang sit-ups ko at napapasulyap sa lalaki roon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero napapatingin ako sa katawan niya. Kuminkintab ang katawan niya dahil sa pawis niya kaya sumasabay ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Geometric Style
Humor[EDITING] South Orwell Series #1 Geometry Metro, a semi-stone-hearted dude, wanted to make Saturday Sundays happy with someone else, even if it wasn't him. That's why he tried to get rid of someone but didn't expect to slip from the rope of strong f...