Kirsten
Mabigat ang aking mga mata nang dumilat. Halos mag-ala una na pala noon. Napasarap ang tulog ko. Bumangon ako sa bed kahit na sa totoo lang ay parang mas gusto ko na lang mahiga. Mas sumama pa yata ang aking pakiramdam sa ginawa kong pagtulog.
Pupungas-pungas akong naglakad palapit sa pinto, pero kasabayan nang pagpihit ko sa seradura ay ang pagbubukas din noon. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig kay Chance na ngayon ay nakapambahay na lang at may hawak na libro. He was really cute when he wore reading glasses. But what was he still doing in here?!
"Akala ko hindi ka pa babangon, gigisingin nga sana kita," bungad pa niya sabay sarado sa hawak niyang libro. "Kumain muna tayo. Gutom na rin ako," aniya na akala mo normal lang sa kanya na nasa suite ko!
Suite ko!
"May klase ka pa, 'di ba?" Kumunot ako, pero agad ko ring natutop iyon dahil sa sakit.
"Are you okay? Anong masakit sa'yo?" nag-aalang tanong pa niya sabay haplos sa aking pisngi.
Saglit akong natigilan sa paghawak niyang iyon. Matagal na panahon ko nang nakita ang maalagang si Chance. Bigla ko yatang na-miss ang dating siya. Kinagat ko ang aking labi at isang ideya ang pumasok sa isip ko. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong 'to.
At kahit na masama naman talaga ang pakiramdam ko ay mas pinabigat ko pa ang nararamdaman ko. Sumandal ako sa pinto at nagkunwaring hinang-hina.
"Hey, may masakit ba?" nag-alalang tanong pa rin niya sabay alalay sa aking braso. Pinigilan ko ang mangiti dahil wala siyang ibang choice ngayon kundi alagaan ako. Knowing him, hindi talaga niya hahayaang mapag-isa ako lalo pa ngayong may sakit ako.
"Just call my brother. Pumasok ka na," kunwari ay pagtataboy ko pa sa kanya. I am positive that he wouldn't call my brother.
"Gusto mo ba?"
Or maybe not.
"Kaya ko na ang sarili ko, Chance. Makakaalis ka na," mabilis na bawi ko pa.
Ugh, Kirs, get your act together.
"Come on. You need to eat. Kaya ka siguro nanghihina kasi wala pang laman ang tiyan mo. Come on," sabi pa niya sabay alalay sa aking baywang.
Nag-iwas ako ng tingin at pinigilang mangiti nang maluwag. It's been a while. He was never this close to me. I liked it. Mahigpit akong humawak sa kanyang braso at wala naman akong pagpo-protestang narinig mula sa kanya.
Nang madaan kami sa sofa ay inilapag niya ang hawak na libro kasama ang suot niyang reading glass at iginiya ako papunta sa kusina.
Agad kong natanaw ang nakahaing pagkain sa mesa. Nangalam ang sikmura ko sa pagkakita pa lang sa umuusok na sabaw. He remembered. Alam niyang paborito ko ang sinigang na baboy.
"You remembered..." Hindi ko na rin napigilang sabihin.
"I knew everything about you, baby girl," proud pa niyang sabi kasunod ang ismid.
"Hindi ka na sana nag-abala," kunwari ay masungit ko pang sabi, pero sa totoo lang ay halos pumalakpak ang tainga ko sa sobrang kaligayahan.
"Stop talking and just eat, Kirs," masungit din naman niyang utos. Magkatabi kaming naupo sa munting dining area.
Hindi naman na ako kumibo at hinayaan na lang siyang alagaan ako. Ipinaglagay niya ako ng rice sa plato pati na rin ng sabaw sa kanin. Amoy pa lang ay sobrang nakatatakam na.
Kinagat ko ang aking labi habang nakatitig sa ginagawa niyang paghahati-hati ng karneng baboy. Ginagawa man niya akong bata ay hindi na ako nagreklamo. Besides, gusto ko naman ang ginagawa niya. He was almost like my Dad. Ganito rin ako tratuhin noon kapag nasa mansion. Akala mo hindi ko magagawang kumain ng nag-iisa.

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomantikMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...