AN:
Sorry if I need to cut some sentences. Alam ko kasing may mga bata akong readers dito. Pasensya na. Para sa inyo pa rin ito, hane? Ibinukod ko ang part na medyo mas detailed, pero hindi naman ganoon karami iyon. Pero kung interesado pa ring mabasa kabuuan ay pakihanap na lang ang CIL Private Chapters sa Profile ko or click the external link below. Pero tulad nang sabi ko, kaunti lang iyon. :)
Enjoy,
Ate Mommy Dean
********
Kirsten
Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa paraan nang pagtitig niyang iyon sa akin. Wala pa ako sa sariling napasinghap nang kabigin niya ako sa batok at hinalikan sa mga labi.
He felt so warm all over.
Marahan niya akong hinalikan kasabay nang paglalakbay ng kanyang mga kamay sa aking leeg pababa sa balikat.
I'd been dreaming about this.
Iginiya niya ako palapit sa bed nang hindi naghihiwalay ang aming mga labi.
Nang pumatong siya sa akin ay mas lalo kong natanto ang init ng kanyang katawan.
"This is hard, baby girl, but I need to stop. I wanted to save this after our wedding. Ilang oras na lang ang ipaghihintay ko. Matitiis ko pa 'yon."
"But Chance-" desperadong maktol ko pa.
I couldn't believe this!
He chuckled.
"Ayokong madaliin ang bagay na 'to, baby girl. I wanted to kiss every inch of you."
Mariin kong kinagat ang aking labi. Sinasabi pa lang niya iyon ay parang hindi na ako makapaghintay.
"For now..." mapang-akit pang aniya bago mapanuksong paglakbayin ang kanyang kamay sa aking pagitan. "Let's get you dressed..." nakangising aniya sabay tanggal ng kanyang kamay doon.
"Chance!" maktol ko pa.
Naiiling siyang humalakhak at maingat na umalis sa pagkakadagan sa akin.
Lumapit siya sa closet at kinuha ang puting dress pati na rin puting stiletto. Inilapag niya iyon sa bed bago muling bumalik sa closet at nang bumalikwas pabalik ay hawak na niya ang bra at panty.
"I asked Yuri to buy these for you. I think she got your size right," makahulugan pa niyang sabi sabay nakalolokong sumulyap sa aking dibdib.
Ibinaba niya ang mga iyon sa bed bago saglit na yumuko at mabilis akong hinalikan sa mga labi.
"I'll be back. I just need to take care of my wood," natatawang aniya sabay sulyap sa pagitan ng kanyang mga hita.
Oh my!
"Get dressed, baby girl. Don't make this any harder for me," mahigpit na bilin pa niya bago tuluyang tumalikod at pumunta sa banyo.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga palad at impit na sumigaw.
Ugh, he's such a tease!
Matapos na makapagbihis ay dali-dali kaming umalis ni Chance at nagpunta sa hotel na pag-aari ng pamilya niya. I was feeling really nervous. Hindi ko alam kung tama bang ganito kami kabilis magdesisyon sa pagpapakasal. At papaanong napapayag niya sina Daddy? That was a little surprising.
Nasa lobby pa lang kami ng hotel ay agad na sumalubong sa amin ang ilang staff. Abot-tainga ang kanilang ngiti na para bang alam na rin nila ang magaganap sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...