Chapter 22

28.3K 880 60
                                    

Chance Daniel

Matapos ang klase ay nagdiretso ako sa canteen para sana sunduin si Jorge. Pero mukhang na-late pa ako nang dating dahil halos kaaalis lang daw kasama si Tyrone? Well, that was fast. I expected him to act on the situation, but not this fast.

Impressive.

At para masigurong magkasama nga sila ay nagdiretso pa rin ako papunta sa parking area. I knew where to find them, kung hindi man sila nakaaalis pa ay puwede ko pa ring ipilit na ihatid si Jorge, just to show off. Pero wala sila roon.

Mabilis kong iginala ang aking paningin at hinanap ang mukha nina Tyrone at Jorge.

Where the hell did they go?

Pero halos maikot ko ang parking lot ay wala akong nakitang mukha ng dalawa. Malinaw naman ang sinabi ng kasamahan ni Jorge. Umalis kasama si Ty.

Did I miss something?

Kaya naman muli akong bumuwelta pabalik sa canteen. At mula sa bandang likuran ng canteen ay natanaw ko si Tarah na parang umiiyak kasunod ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Nang medyo malapit na ako ay natanaw ko sila Tyrone at Jorge na nakakubli sa may puno at seryosong nag-uusap.

"O-kay! Alis na ako!" Narinig kong paalam ni Jorge kay Ty.

"Jorge!" tawag ko pa na agad ding nagpabilog sa mga mata niya.

"Chance!"

"I've been looking all over for you. Let's go?"

"Uhmm..." Wala pa siya sa sariling tumango.

Did I interrupt something?

"T-ara na..." Kayag pa niya habang panakaw na tumitingin kay Ty na seryoso lang din ang mukha na nakatitig sa kanya.

"C'mon." Nakangiting hinawakan ko ang kanyang kamay at pinandilatan naman niya ako. "See you around, dude!" baling ko pa kay Ty na tahimik namang tumango habang ang buong atensyon niya ay nakatutok pa rin kay Jorge.

He's so fvcking whipped.

Nang tuluyan kaming makalayo ay tsaka ako nagtanong kay Jorge na nanlalamig ang kamay. Something happened and I needed to know.

"What happened back there? Your hand is so cold," puna ko pa sabay bahagyang taas sa magkahawak naming mga kamay.

"H-inalikan niya ako..." she murmured.

But wait? What? Did I hear it, right?

"Excuse me?" Tumigil ako sa paglalakad at kinabig siya paharap sa akin. Her cheeks was beat red.

"'Wag mo nga akong tingnan ng ganyan!" Mabilis pa niyang tinakpan ang kanyang mukha gamit ang mga kamay. Hindi ko naiwasang matawa sa kanyang reaksyon. "Pero hindi iyon katulad nang iniisip mo!"

"Enlighten me, please." Pinigilan ko ang matawa at mariing kinagat ang aking labi. I was expecting this thing would happen. I am proud that Tyrone was not wasting his time, huh.

"Papalabas na kasi ako sa canteen nang harangin ako nina Tarah."

"And then?"

"Ayun, kung anu-anong mga itinawag niya sa akin dahil sa selos niya..."

"And?" Mataman ko siyang tinitigan sa mukha na mas lalo pa yatang pumula.

"Itinanggi ni Tyrone na hindi niya girlfriend si Tarah. At..."

"At?" I almost rolled my eyes. I wanted to hear that one detail I am waiting for.

"Ipinakita ni Tyrone kung papaano niya tratuhin ang girlfriend niya. At parang ako 'yong tinutukoy niya? Ewan! Basta gan'on! Magulo!" naguguluhan pang aniya bago humugot ng malalim na buntong-hininga.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon