Chapter 23

29.6K 1K 54
                                        

Kirsten

Everything was all set.

Maaga pa lang ay nakagayak na ako para sa aming trip sa Coron, Palawan. Inisa-isa ko ang aking gamit bago tuluyang isara ang aking duffel bag.

"Kirsten, sweetie, nandiyan na ang bisita mo," nakangiting bungad pa ni Mommy na noon ay nakasilip sa may pintuan ng aking kwarto.

"Thanks, Mom," nakangiti ko rin namang sagot bago mabilis na pasadahan ng tingin ang aking sarili sa lifesize na salamin.

"He's good looking. Sigurado ka bang siya na ang ipapalit mo kay Chance?" nakakaloko pang tanong niya.

Si Mommy talaga.

I rolled my eyes at her before I even say a word.

"Johan is a nice guy, Mom. Pero alam mo ring kaibigan lang ang turing ko sa kanya."

Kabataan ko pa lang ay alam na ni Mommy ang pagkakagusto ko kay Chance. Noon pa man ay boto na rin siya rito dahil galing din naman ito sa mabuting pamilya na malapit din kay Daddy dahil naman sa negosyo.

"Hmm... You deserved a man who can make you happy, sweetie." Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. She knew everything. Every detail of how I got broken hearted by Chance. "Give the other guy a chance. Baka naman kahihintay mo sa Chance na 'yan, e, lumagpas naman ang ibang Chance sa buhay mo."

She's simply the best.

"I'll keep that in mind, Mom."

"Sige na, bumaba ka na."

"Opo. Thanks, Mom."

Tahimik na umalis si Mommy at muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. Naka-puting shorts ako at bikini top na pinatungan lang din nang manipis na blouse. Almost see through iyon dahil kita ang kulay ng aking pulang bikini top. My hair was in a messy bun and I had no make-up on my face. Good thing, I inherited my pretty face from the good genes. Natural na mapula-pula ang aking mga pisngi pati na rin ang mga labi. Pero kahit gaano pa yata kaganda ang aking mukha, hinding-hindi ako gugustuhin ng nag-iisang lalaki na ginusto ko buong buhay ko.

Inalog ko ang aking ulo at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Maybe, ito na nga ang pagkakataong hinihintay ko. To finally move on from Chance and be with someone new.

Anyway, gaano na nga ba ako katagal nagmu-move on? Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na nga bang sinabi sa sarili ko ang mga katagang iyon.

Ngumiti ako sa aking reflection sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Johan na naghihintay sa sala wearing his Hawaian-themed polo and khaki shorts. Mom was right. He was so good looking. Athletic type ang kanyang katawan at halos kasing tangkad din siya ni Daddy. Malapit din niyang kamag-anak si Zimmer Gonzaga. Hindi man kasing yaman nila Chance si Johan ay maituturing pa ring successful ang pamilya nila sa negosyo. Kalilipat lang niya ng school at nagkataong naka-klase ko rin siya sa mga major subjects ko.

Matamis na ngumiti si Johan nang makita niya akong pababa ng hagdan. Tumayo siya at sinalubong ako sa pinakadulong baitang.

"I'm sorry, I came a little early," apologetic pa niyang sabi sabay nagkamot ng ulo.

"It's alright. You look good," puri ko pa na nagpaluwag lalo sa kanyang ngiti.

"Thank you." Mabilis pa niyang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. "You're so beautiful, Kirs."

"Thanks, Johan."

Malagkit pa niya akong tinitigan bago mapait na ngumiti. Alam niya kung ano lang ang kaya kong ibigay. At alam din niya kung ano ang nararamdaman ko para kay Chance. Kung bakit sa kabila ng pag-amin ko ay nananatili pa rin siya sa tabi ko, ay hindi ko alam. Pero masaya akong kasama siya sa panahong walang Chance sa buhay ko.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon