Kirsten
Marami na ang tao sa AVR nang makarating kami roon ni Yuri. Agad akong nagpalista at sa dami man ng mga tao ay mukhang iilan lang din ang mag-audition. Iginala ko ang tingin sa paligid, pero wala pa rin doon si Kuya Ty. Agad kong ni-ring ang kanyang cell phone, pero cannot be reach iyon. Damn.
"O, nasaan na si Kuya mo?" nag-alalang tanong pa ni Yuri.
Alam niyang kadalasan ay kay Kuya Ty ako kumukuha ng lakas ng loob. Sa maraming beses din na kinakailangan ko siya ay palagi naman siyang nandoon. Ni isang beses ay hindi niya ako in-indian.
"Darating naman siguro iyon," sagot ko pa sabay mapaklang ngumiti.
Pinagkiskis ko ang aking dalawang palad sa pag-asang maiibsan noon ang kaba. Hinagod ni Yuri ang aking likod dahil alam kong hindi lingid sa kanyang kinakabahan ako.
I needed my brother here.
Nang magsimula na ang audition ay halos mapuno ng sigawan ang buong AVR. Papaano naman kasi ay biglang sumulpot si Zimmer Gonzaga galing sa backstage. Yuri's ultimate crush and one of the hottest guys in school. Hindi ito pahuhuli sa barkadahan nina Kuya.
Noon pa man ay dinig ko na ang pangalan niya, pero hindi ko pa siya nakita nang malapitan ni minsan. Tulad ng description ni Yuri, he was no doubt very handsome. Mukhang nasa 6'1" ang kanyang taas, may matikas na pangangatawan at boy-next-door na kagwapuhan. Mukhang same sila ng tipo ni Chance. Sa tingin ay mukhang mabait at gentlemanly. Kung sa bagay ay mabait naman si Chance. Sa akin lang naman siya nanunuplado.
Naupo si Zimmer sa harapan at mukhang manonood pa talaga.
"Shocks, Kirs! Ang gwapo ni Zimmer! Shit!" impit na sigaw pa ni Yuri sa aking tabi. Para rin siyang inasnang bulate kagagalaw.
I rolled my eyes. Wala man lang kahiya-hiya ang babaeng 'to sa mga makaririnig.
Karamihan ng mga nag-audition ay halos puro babae. Nakilala ko rin ang iba na mukhang dati ko nang nakasama sa club noon. Mukhang target talaga nila ang main role. Kung sa bagay, mukhang tina-target naman din nilang maka-partner si Zimmer.
Medyo tuliro na ako dahil hindi pa rin dumarating si Kuya. Sana lang ay kayanin kong wala siya. Sana lang.
Nang tinawag na ang pangalan ko ay agad na nanlamig ang buo kong katawan. Nakatutok ang titig ng lahat sa akin at maging si Zimmer ay para bang minumukhaan ako. Nang makaakyat ako sa stage ay agad akong tinanong ng isang judge. Kung hindi ako nagkakamali ay professor siya sa Performing Arts.
"May kinabisado kang tagalog song, hija?" tanong pa niya gamit ang mic.
"Opo," sagot ko pa na may kasamang tango. Mahigpit ang hawak ko sa mic. Nakatetensyon pa rin na nakaharap ako sa maraming tao. But I do love being on stage. Sa umpisa lang naman ako palaging ganito.
"Puwede bang iyon ang kantahin mo?"
"S-ige po..." Agad pa akong napatingin kay Yuri na abot-tainga ang ngiti.
Muli kong iginala ang tingin sa crowd, pero hindi ko makita ang mukha ni Kuya Tyrone. Pero gan'on na lang ang gulat ko nang mula sa entrance door ay agad kong namataan ang isang pamilyar na pigura. May kung ilan pang kababaihan ang saglit na napatili dahil sa presensya niya.
"Please be quiet," saway pa ng judge na kumausap sa akin kanina.
Saglit na tumahimik ang crowd and my heart literally stopped at the sight of him.
Oh my God... He was really here.
My heart was beating like crazy.
He should not be here.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
Storie d'amoreMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...