Kirsten
After what happened in the storage room, Chance didn't try to kiss me with such urgency again. I must admit that I was a little disappointed. A part of me wanted to be kissed that way again. Pero alam kong nagpipigil siya para na rin sa amin. Nag-aaral pa kami at ang isang maling desisyon ay puwedeng makasama sa aming dalawa.
Today is my brother's birthday.
Wala ako sa sariling tumitig sa salamin at pinagmasdan ang aking suot. Pinaghandaan ko talaga ang gabing ito para kay Chance. I was wearing a black tube dress, hugging me in the right places. A long slit on my dress made me look taller, matching with a killer stiletto, was a complete package of sexiness. Hindi ko man masabing perfect ang katawan ko, pero hindi ako sobrang payat at hindi rin naman mataba. Namana ko yata ang figure ni Mommy. Kahit pa dalawa na kami ni Kuya ay halos walang nabago sa kurbada ng kanyang katawan. I wore my hair down, curled at the ends and put a light make-up on my face.
Matapos na makapag-ayos kami ni Ate Jordan ay noon na lang kami nagdesisyong bumaba. Marami na ang mga bisita sa garden at halos mahirap na ang magkarinigan sa lakas ng tugtugan. May ilang beses din kaming huminto para ipakilala si Ate Jordan bilang girlfriend ng aking minamahal na kapatid. Matapos ang maikling pakikipag-usap ay agad ko na ring natanawan si Kuya kausap si Tiffany.
"O-oh... naunahan na tayo ni Tiff. Faster, sis!" tarantang sabi ko pa sabay hila sa kamay ni Ate Jordan.
Matagal ko ng kilala si Tiffany. At aware din ako sa malaking pagkagusto niya sa kapatid ko. Though, alam ko ring hindi gusto ni Kuya si Tiff. Si Ate Jordan lang ang pinakitaan niya ng naiibang pagtingin.
"Kuya!" malakas na tawag ko pa, dahilan para mapabaling ang tingin niya sa amin.
Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ng aking kapatid habang nakatitig sa kanyang girlfriend. Kinagat ko ang aking labi at pinigilang kiligin nang husto.
They were so cute! Ang makitang sobrang in love ng Kuya ko ay sobrang nagpaligaya rin sa akin.
"Happy Birthday, Kuya!" nakangiting bati ko sabay halik sa kanyang pisngi.
"Thanks, Kirs," sagot din naman niya bago ibaling ang tingin kay Ate Jordan.
"Happy Birthday, Ty..." nahihiyang bati ni Ate Jordan.
Tipid na ngumiti si Kuya bago tanggalin ang pagkaka-angkla ng kamay ni Tiff sa kanyang braso. Napangiwi ako at pinigilan ang mangiti. Pagdating talaga kay Ate Jordan ay hindi na namamalayan ni Kuya ang nasa paligid niya.
"Wow, you look stunning, Mahal ko," manghang puri niya at agad na namula ang mga pisngi ng girlfriend nito.
"T-hanks..."
"You can't just stare at me like that. You have to kiss me."
"Puro—"
Hindi na nagawang magsalita ni Ate Jordan dahil sa mabilis na pagdapo ng mga labi ni Kuya rito.
Gosh, I needed to get out of here. Naiinggit na ako!
"So beautiful..." bulong pa ni Kuya na mukhang wala rin namang pakialam sa mga makaririnig.
Nahihiyang sumulyap sa akin si Ate Jordan at nakangiti ko naman siyang kinindatan.
"I told you..." mahinang bulong ko pa at hindi ko naiwasang humagikhik. "Ang sweet! Inggit ako! Nasaan na ba kasi si Chance Daniel?" Pinahaba ko ang aking leeg at hinanap nga ang gwapo kong boyfriend.
My brother needed alone time with his girlfriend. I needed one too, with my boyfriend.
Where the hell was he?
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...
