Kirsten
Months flies by so fast. Ilang buwan na lang ay matatapos na kami ng college.
Hindi pa rin namin nakita si Jorge, pero kahit papaano ay medyo umayos naman na ang kalagayan ng Kuya ko. Sinabihan man niya si Dad na ipatigil na ang paghahanap, alam kong hindi pa rin siya tumitigil. Ayaw na lang niyang madamay pa kami sa lungkot na nararamdaman niya. At siguro nga ay naaawa na rin siya kay Mommy dahil palagi itong nag-aalala para sa kanya. He somehow manages to keep it together. He started living each day like normal people. Madalas man siyang lumalabas kasama ang barkada, hindi na tulad nang dati na sobrang lasing at halos walang itira sa sarili. Lumalabas na rin siya kasama si Tiffany, pero alam kong nililibang lang niya ang kanyang sarili.
Hindi ko alam kung gaano katagal balak maghintay ni Kuya sa babaeng mukhang desididong layuan na siya.
Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa langit. Wala ako sa sariling ngumiti nang mapagmasdan ang tila bulak na ulap na tumatakip sa sinag ng araw. Mariin akong pumikit at dinama ang malamyos na simoy ng hangin. Kung sana'y magiging ganito kagaan kay Kuya ang paglimot, hindi sana siya masyadong nasasaktan ngayon.
A part of me wanted to hate Ate Jordan, but I just couldn't. I'd witnessed how much she loves my brother. Kung sana lang ay hindi ang paglayo ang naging option niya. Masaya sana ang Kuya ko.
Pero agad din akong naabala sa aking pag-iisip dahil sa biglaang paghalik sa aking mga labi.
Ang Baby Boy ko.
"Busy?"
"Siraulo ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib at umirap. "Tama bang bigla ka na lang manghahalik?"
Natatawa siyang umupo sa aking tabi.
"Ang lalim nang iniisip mo, a," sabi pa niya sabay gagap sa palad ko at hinalikan ang likod niyon.
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tipid na ngumiti.
"Naiisip ko lang si Kuya."
"Hmm..."
Ilang saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam kong kung gaano ang pag-aalala ko sa aking kapatid ay ganoon din siya.
"At least he was trying to be okay..."
Tumangu-tango ako at mapaklang ngumiti.
"He pretends to be okay."
Sa halip na sumagot ay malalim siyang bumuntong-hininga at pinaglaruan na lamang ang aking mga daliri.
"Magiging maayos din ang lahat, Baby Girl," seryosong aniya kasunod ang tipid na ngiti.
Tumango ako at humilig sa kanyang balikat.
May kung ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon nang maabala kami ng isang boses sa aming likuran. Sabay kaming lumingon at agad na nabungaran ang matamis na ngiti ng isang babae.
Kunot-noo akong tumitig sa kanya lalo pa nga't kay Chance nakadirekta ang titig niya.
"Chance Daniel..." malambing pang anito.
Wala ako sa sariling nilingon si Chance na noo'y naka-rehistro ang gulat sa mukha.
"Elma?"
"I'm glad you remembered," nakangiting sabi pa nito.
"You've got to be kidding me!" Agad na tumayo si Chance at sinalubong ng yakap ang babae.
Elma? Who the hell was she?
"It's been a long time," sabi pa ng babae na halatang masayang-masaya rin.
Tinapik-tapik pa nito sa likod si Chance na tipo bang normal na nilang ginagawa iyon. At kahit pa ayoko sana ay magselos ay hindi ko naiwasan.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...