Chapter 14

27.6K 946 44
                                    

Kirsten

"No wonder pinag-aagawan ng mga lalaki iyang si Miley," iiling-iling na sabi pa ni Yuri habang pinapanood ang ni-record niyang video nina Miley at Lucas. Their kisses were so heated that they had to leave the cinema, even before the movie ended.

"Dapat malaman 'to ni Chance," gigil na sabi ko pa kasabay ang pag-iling. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Kalat na sa school ang pagiging playgirl ni Miley, pero iba pa rin talaga ang makita siya mismong ginagawa iyon.

The nerve of that bitch! Ang lakas ng loob niyang lokohin si Chance!

"You'll look desperate, Kirs. Dapat ipamukha sa Miley na 'yan ang ginawa niya!"

"Hindi ko puwedeng palagpasin 'to, Yuri. Kilala ba niya ang ginagago niya?" gigil ko pa ring sabi. At kahit na halos isang oras pa lang ang nakalilipas ay halos nagpupuyos pa rin ang kalooban ko sa sobrang galit. Kung hindi siguro ako pinigilan ni Yuri kanina ay baka nakalbo ko na ang malanding babae na iyon nang wala sa oras.

"Sigurado ka bang girlfriend talaga iyon ni Chance? Parang hindi pa rin ako makapaniwala."

"Me neither. But why would Chance lied about it?"

"To make you jealous?" maagap pa niyang sagot nang nakangisi.

"Well, it's working. Gosh..." nangingiti ko pang sabi. A part of me wanted that thought, pero alam kong ang pag-asa ko ay nangangahulugan ding puwedeng makasakit sa akin. "I have a thing in mind, Yuri, but I knew that Chance Daniel might hate me."

"Oh, spill the beans, girl!" excited pa niyang sabi.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ibulong sa kanya ang aking plano.

Kinabukasan, tulad nang napag-usapan ay nagkita kami ni Yuri malapit sa AVR. Halos manananghali pa lang noon at sa pagkakaalam ko ay madalas silang sa spot na iyon nagkikita ni Miley. Saglit kaming nagkubli upang abangan ang dalawa. Nang matanawan ko si Chance ay nagmamadali kaming sumunod ni Yuri.

"Hey, Chance..." malambing pang tawag ni Miley na nakapagpaikot ng mga mata namin ni Yuri.

"Hey," ganting bati rin naman ni Chance, pero hindi ko masiguro ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang malamig kasi iyon at napipilitan lang. I am not sure, though.

"I've been waiting for you to call last night." Malungkot pa ang tono ni Miley na akala mo naman totoo ang sinasabi. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to!

Wala ako sa sariling napakuyom ng palad at kung siguro abot-kamay ko lang ang buhok ni Miley ay nasabunutan ko na siya.

"She's getting laid while waiting for Chance to call. That was probably she wanted to tell him," nakairap pang bulong ni Yuri.

Nag-igting ang aking panga sa isiping may nagaganap nga kina Miley at Lucas samantalang possibleng naghihintay din si Chance ng tawag niya!

Ugh, I hate the thoughts. Ako ang nasasaktan para sa Baby Boy ko!

Nang akma nang hahalik si Miley kay Chance ay mabilis akong gumalaw at pumagitna sa kanilang dalawa. Gulat na napatitig lang sa akin si Chance gamit ang tila nagtatanong na mga mata. Bahagya ring kumunot ang kanyang noo at parang katulad ko ay saglit ding nakalimutan ang pagsasalita.

"What the hell?!" irita pang sabi ni Miley sa aking likod.

Pero sa halip na bigyan siya kahit na kaunting atensyon ay itinuon ko iyon kay Chance at kabadong ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Walang pag-aalangan akong tumingkayad at banayad siyang hinalikan sa mga labi.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon