Chapter 4

34.9K 1.1K 31
                                    

Chance Daniel

Nang makarating kami sa clinic ay saktong kadarating lang din ng school doctor na si Dr. Corvino. She was in her mid 40's, petite and beautiful. Iyon nga lang, sa pagkakaalam ko, ay maaga rin siyang nabalo dahil naaksidente ang kanyang asawa na isa namang abogado.

"Ma'am Kirs, good morning..." nagtatakang bungad kaagad nito sabay hagod ng kamay sa suot na scrub suit.

"Good morning po, Dr. Corvino," matabang din namang bati ni Kirs. She was always cheerful and feisty, but now, she's obviously not feeling well.

"Good morning, Chance," bati rin naman nito sa akin.

"Good morning din po, Doc," balik bati ko rin. "We're so sorry for disturbing you this early, doc, but Kirs is not feeling well..."

"Oh, dear... Dito tayo sa loob," nag-aalalang sabi pa nito sabay senyas sa aming pumasok sa kanyang opisina.

"Ako na lang," masungit pang baling ni Kirs sa akin.

Tumango ako at hindi naman na nangulit. Siguro nga ay mas mabuting ganoon ang pakitungo niya sa akin para na rin hindi maging mahirap ang umiwas. But I couldn't deny that I am worried. Hindi ko naman siya madalas makitang magkasakit kahit noong kabataan naming dalawa.

Hindi naman din nagtagal ay lumabas na siya dala ang supot ng gamot na ibinigay ni Dr. Corvino. Nilagpasan lang niya ako ng tingin at dire-diretsong naglakad palayo. Hindi ko tuloy nakuha man lang magpaalam kay Doc dahil sa pagmamadaling sumunod sa kanya.

"I'll take you home," malamig na sabi ko pa sabay saglit na dumungaw sa kanya.

"I can take care of myself. Puwede akong magpasundo," masungit pa ring aniya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Alright. I am not really comfortable with her being this grumpy. Madalas ay malambing at palangiti siya sa akin kaya't nakapaninibago kapag ganito siya kalamig sa pakitungo sa akin.

"Available ako. Puwede kitang ihatid," pagpipilit ko rin naman sabay hawak sa kanyang braso.

Nakasimangot niya akong nilingon habang pilit na inaalis ang pagkahawak ko sa kanyang braso.

"Ayokong makaabala sa'yo, Chance Daniel. For sure may mga naka-sched ka ring reports ngayon. Puwede akong magpasundo. Hindi mo kailangan-"

"Shut up, Kirs," putol ko pa sa kanya sabay hila papunta sa aking sasakyang nakaparada hindi kalayuan.

Hindi naman na ako nakarinig pa nang pagpo-protesta at hinayaan na ako sa aking gusto. Ayoko na lang din makipagtalo pa sa kanya.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng Lotus at padabog naman siyang pumasok doon.

What's wrong with her? May dalaw ba siya? Weird.

Agad akong umikot sa driver's seat at pasimpleng tinitigan ang kanyang mukha sa front mirror. Kahit may kaunti siyang make-up sa mukha ay halata ang pamumutla niyon.

"Are you okay? Gusto mo munang kumain para malamnan ang tiyan mo?" nag-alalang tanong ko pa habang nakalingon sa kanyang gawi.

"Gusto ko na lang umuwi sa condo. Doon ako kakain," sagot pa niya nang hindi tumitingin.

Unbelievable.

Sa halip na makipagtalo ay pinaandar ko na lang ang sasakyan palabas sa campus.

Tahimik siya buong byahe kaya't hindi na rin ako nag-abalang makipagkuwentuhan. Mukhang wala rin naman talaga siya sa mood. Nang makarating kami sa condo ay dali-dali siyang lumabas ng sasakyan nang hindi lumilingon.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon