Chapter 24

29.2K 990 52
                                    

Chance Daniel

Magkatabi kami ni Jordan habang kumakain, pero ang mga mata ko ay pilit na naglalakbay sa kinauupuan nina Kirsten at Johan. 

Yeah, that’s the name of the dickhead. 

He’s touchy with her and I felt the urge of breaking his arms.  She’s smiling a lot, too and that made me hate the guy even more. 

After that tasty breakfast, which sadly, I wasn’t able to enjoy, ay nagkanya-kanya na kami nang sakay sa mga sasakyan. 

Sina Tito Seb at Tita Ady ay nakasakay sa Ferrari sports car.  Kung hindi ako nagkakamali ay kay Tyrone ang ginamit nila.  Nasa iisang sasakyan naman ang barkada kasama ang mga kaibigan ni Tarah. I am quite sure they’ll have a free show of tits there.  And, my asshole friends are going to enjoy that free show. Kami naman ni Jorge ay sa sasakyan ni Ty sumakay. Sa passenger seat nakaupo si Tarah, kami naman ni Jorge sa likuran nila, at sa likuran naman namin sina Kirsten at Johan. 

Ugh, I even hated the sound of the dickhead’s name.

“Who’s with Kirsten?” pabulong na tanong ko kay Jorge. 

I couldn’t helped it.  I am so jealous right now.

Wala pa ako sa sariling sumulyap kina Kirsten at Johan na panay ang bulungan sa likod.  Kirsten was even laughing so loudly and it irritated the hell out of me.  Not because I hated how she laughed, but because I am not the one who caused that.

“Classmate raw niya.  Bagay sila, ‘di ba?”
 
“She’s still a baby, Jorge.  Hindi pa puwede sa kanya ang mag-boyfriend,” seryosong sagot ko lang sabay nag-iwas ng tingin. 

Jorge was staring at me liked she knew something.

“Isang taon lang ang tanda mo sa kanya, Chance,” paalala pa niya.  “Nasa tamang edad na siya at puwede na siyang mag-boyfriend.”

Sa halip na intindihin ang sinabi niya ay inakbayan ko na lang siya.  I felt the need to distract myself.  Dahil kung hindi ko gagawin iyon ay baka mapadugo ko ang mukha ng katabi ni Kirs nang wala sa oras.

“Whoa, whoa, dude!  Easy ka lang!  Ang bilis mo mag-drive!” Gulat pang reaksyon ko sabay tapik sa balikat ni Ty.  Kung hindi ako nagkakamali ay sinadya niyang bilisan ang patakbo para maalis ang pagkakaakbay ko kay Jorge.

Jeez… Gawain ko rin ang ganyan. 
Umiling ako at huminga nang malalim.  Nawawala rin ako sa kundisyon dahil sa paghagikhik na iyon ni Kirsten. 

I couldn’t believe this.  Did she like him?  Hindi naman siya ganoon kasaya kay Zimmer noon, a.

Mariin akong pumikit at pilit na inabala ang aking sarili sa pag-alala sa nakaraan namin ni Kirsten.

Nagbibinata pa lang ako noon ay hindi ko na kayang ikaila sa sarili ko na wala akong ibang gusto kundi si Kirsten lang. 

“Do you think I’m pretty?” malambing na tanong pa niya habang namamasyal kami sa bakuran nila.

“Yes, Kirs.  Sobra,” nakangiting sagot ko pa habang pinagmamasdan ang kanyang maliit at magandang mukha.  Ultimo bilang ng iilang freckles niya sa pisngi ay alam ko.  “Bakit mo naman naitanong?”

“Wala naman…” malungkot na aniya at nagkibit-balikat.  “Pakiramdam ko kasi walang nagkakagusto sa akin.  Wala ring mga boys ang nakikipagkaibigan.  Isip ko tuloy ang pangit ko.”  Mapakla pa siyang ngumiti.
 
I felt guilty on that part.  Noon pa lang kasi ay sobrang protective na ako pagdating sa kanya.  Nagseselos rin ako sa mga lalaking nagpapahaging sa kanya. Kaya naman, hindi pa sila nagsisimula ay tinatapos ko na ang pag-iilusyon nila.  Pinagbabantaan ko silang lumayo o gagamitin ko ang kapangyarihan ng pamilya para lang mapatalsik sila sa eskwelahan. 

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon