Kirsten
Matapos ang group reporting nang araw na iyon ay nagpasya akong lumiban na sa klase. Himala ngang matatawag na nagawa ko ang report nang maayos kahit na maraming gumugulo sa isip ko.
Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang marami na rin ang nakapanood sa video kaya't pakiramdam ko ay ako ang pinapanood ng lahat.
I couldn't believe this was happening.
Nagmamadali akong pumunta sa parking lot at agad na pinatunog ang aking sasakyan 'di kalayuan. Nang mag-ring ang cell phone ko at makitang si Chance iyon ay mas pinili kong hindi muna sumagot. Gusto ko munang mapag-isa.
Papasok na lang ako sa sasakyan nang may maulinagan akong tumatawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Elma iyon.
What the hell? Wala na bang igaganda ang araw na 'to?
Tumuwid ako ng tayo at hinintay siyang makalapit. Hindi pa rin nababago ang impression ko sa kanya.
I hate her.
At matapos kong makita ang video ay mas lalo ko siyang hindi gusto.
"Thank, God, naabutan kita," hinihingal pang aniya. Naka-plaster ang ngiti niyang hindi ako sigurado kung totoo ba o hindi.
"Yes?" seryosong tanong ko habang nakakunot-noo.
"Here..." aniya sabay dukot sa bag at mula roon ay inilabas ang cell phone ni Chance. "Nakalimutang bitbitin ni Chance Daniel ang cell phone niya. Halos umagahin kasi kami sa inuman kaya ayan, sa hotel room na kami nakatulog," she said like it was nothing. "Here..." Nakangiti pa niyang inabot iyon.
She must be fvcking kidding me.
"Magkasama kayo sa hotel hanggang kaninang umaga?"
"Yup," nakangiting sagot pa niya. "We lose track of time. Sabi niya tatawagan ka niya. Hindi ba niya nasabi sa'yo?"
Sa halip na sumagot ay pilit akong tumango.
"Thank you, Kirs at pinayagan mo siyang sumama sa akin kagabi. Sobrang nag-enjoy naman kami. Na-miss din siya ng mga friends ko."
"Yeah." Iyon na lamang ang tanging naisagot ko. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang aking dila ng wala sa oras.
He lied to me!
"Pauwi ka nga ba? Buti na lang talaga at naabutan kita. Hindi ko kasi mahanap si Chance kaya naisip kong sa'yo na lang iabot ang cell phone niya. Nagmamadali rin kasi ako. Okay lang ba?"
Tumango ako at mapaklang ngumiti.
"I need to go. See you again next time, Kirs," paalam pa niya nang nakangiti.
I hate her to the bones.
Sa halip na tumugon sa pagpapaalam niya ay dumiretso ako ng pasok sa sasakyan at hindi na siya tinapunan ng tingin. Ibinalibag ko sa passenger seat ang cell phone ni Chance na mas gusto ko yatang basagin!
Pinaarangkada ko ang kotse palayo roon kasabay ng luha kong 'di na mapigilan sa pagbuhos.
********
Chance Daniel
Halos paliparin ko ang sasakyan papunta sa school. Something was off with Baby Girl. Sa tagal nang pagkakilala ko sa kanya, alam ko kung kailan siya may dinaramdam. At sigurado ako, may hindi tama sa reaksyon niya.
Nang makarating ako sa classroom ay hindi ko na siya natanawan kaya't nagtanong ako sa isa sa ka-grupo niya sa reporting.
Yeah. I still knew everything about my Baby Girl.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...
