End Posting: April 12, 2019
********
Chance DanielSabi nga nila, the thing about love was that it could never be predicted. Hindi mo alam kung kanino ka puwedeng tamaan nang todo.
But I guess that wasn't true in my case.
Umpisa pa lang na makilala ko si Kirsten, alam ko na sa sarili kong siya ang babae para sa akin. Siguro nga ay masyado lang ako nagpadala sa takot noong una. Somehow, hindi ko rin masabing masama iyon dahil naniniwala akong may mga sitwasyon na dapat naming pagdaan para mas lalo naming masiguro ang feelings namin sa isa't-isa.
Xby BWPlayer
Cliché na para sa marami ang love story namin ni Kirsten. Magkababatang nagkaibigan? Hindi na nga yata bago iyon. Basta't ang alam ko lang, kung para sa 'yo ang taong iyon, kahit na anong iwas man, pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana.
I am destined to be with Kirsten Greene.
My Baby Girl.
The woman I loved all my life.
Marahil iniisip ng iba na walang perpektong pagsasama, but I could say that mine was perfect. Kirsten was the perfect match for me. Hindi ko na rin maisip na mayroon pang ibang babaeng makakukuha ng trono niya sa puso ko.
"Isn't he the cutest?" tuwang-tuwa pang bulalas ni Daddy Seb habang karga ang aming panganay at una nilang apo na si Caleb Kian. "Kamukha ko, 'di ba?"
"Wait. Ako yata ang kamukha," nakanguso pang kontra naman ni Mommy Ady.
"Hindi nag-aaway ang parents ko, pero mukhang dahil kay CK, magkakasubukan sila," natatawang bulong pa ng asawa ko habang nakatunghay kami sa aking mga biyenan.
Xby BWPlayer
"Believe me, I could see that. Pero alam naman nating pare-parehas na ako ang kamukha ni CK," nagmamayabang ko pang deklara na nagpaikot ng mga mata niya.
"Talaga lang, huh?"
"Hindi pa ba obvious, Baby Girl? Kuhang-kuha ng anak natin ang kagwapuhan ko. Kokontra ka pa ba?" Nagtaas ako ng kilay at natatawa naman niya akong hinampas sa dibdib.
"Iparinig mo kay Dad 'yan, ewan ko lang kung maisauli pa sa atin si CK," banta pa niya na alam ko ring hindi impossibleng mangyari.
Aliw na aliw ang aking mga biyenan sa kanilang gwapong apo.
"Sikretong malupit na lang natin ang katotohanang minana ng anak natin ang kagwapuhan ko. Quiet ka na lang, Baby Girl..." natatawang ani ko pa na lalong nagpatawa sa kanya.
"Fine. Pero hindi ako papayag na ikaw lang ang kamukha dahil ako rin, 'no? Hmp!"
"Oo na sige. Kahit alam kong ako."
She rolled her eyes again. Kung wala lang kami sa bahay ng parents niya ay kanina pa siguro siya nakatikim ng romansa sa akin.
Xby BWPlayer
Halos gabi na rin nang magpasya kaming umuwi sa bahay namin ni Kirsten. Hindi naman kami nahirapan sa aming pagbisita na iyon sa mansion ng aking mga biyenan dahil kung tutuusin ay sila talaga ang kumalinga kay CK. At ganoon din ang eksena kapag kami naman ang dumalaw sa mga parents ko.
"You wouldn't believe this," nanlalaki pa ang mga mata ni Kirsten nang lumapit sa akin.
Nakapagpalit na siya ng puting nighties at wala ako sa sariling napalunok nang mapagmasdan na naman ang kanyang katawan na hindi maitatago sa telang iyon. Kahit pa nanganak siya kay CK ay maganda pa rin ang kanyang katawan. Hindi man ganoon ka-flat ang kanyang tiyan, her beauty was blooming even more. Sobrang in love na nga yata ako sa asawa ko na lahat na lang nang makita ko sa kanya ay maganda.

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...