Chapter 49

25.8K 844 43
                                    

Chance Daniel

Naging linggo-linggo ang check-up ni Kirsten dahil kailangang i-monitor nang maayos ang kanyang puso. Nang lumaon ay naging mas madalas pa iyon dahil may pagkakataong nahihirapan itong huminga.

I was so damn worried, but I couldn't let her see that. I wanted to tell my friends, but I was also worried that some of them couldn't keep their mouth shut. I made a promise. I'll be damned. I shouldn't have made that stupid promise!

"What's bugging you, dude?"

Agad akong bumalik sa wisyo at naiiling na tumingin kay Terrence.

"W-wala..." tanging naisagot ko.

Hindi ako sigurado kung tama bang itinatago ko ang kalagayan ni Kirsten. I wanted to tell someone, but I made a promise! My wife was on her 2nd trimester and she seemed to be getting weaker every time we visit her ob-gyne.

"Are you sure, you don't want to tell me? I am a good listener, you know," nakangiti pang aniya sabay mapaglarong kumindat.

I knew I could trust Terrence, but sometimes, yeah, sobrang daldal niya!

"I'm okay. May naiisip lang ako about sa negosyo," palusot ko na lang.

Malalim akong bumuntong-hininga at wala sa sariling tiningnan ang aking cellphone. Praning na nga ang matatawag sa akin dahil walang araw na hindi ako nag-alala. Parang palagi na lang ay nagri-ring iyon at tumatawag ang asawa ko ng emergency kahit na hindi naman.

"How's Kirsten?"

"Huh?" Agad akong bumaling sa kanya at nasalubong ang seryoso niyang paninitig.

"I saw you the other day, dude," aniya. "Kirsten doesn't look so okay... Anong mayroon?"

"She's fine. May check-up lang siya."

Umubo ako dahil sa tila pagbabara sa aking lalamunan.

"Hmm... Mas maganda ang facilities sa GH. Bakit sa hospital na iyon kayo nagtitiyaga?"

"Kirsten preferred that place at magaling ang doctor niya," rason ko pa.

Hindi ko alam kung maniniwala si Terrence sa rason kong iyon dahil ako man ay hindi makapaniwala. I think it was time to convince Kirsten. We need to ask for a second opinion! But hell, she was so stubborn!

"You've got a lot of money to burn para magtiyaga sa ganoong kaliit na lugar. Ang kuripot mo talaga, dude," natatawa pang aniya.

Sa halip na kumibo ay umiling lang ako at tumayo na. I needed to talk to my wife! Possibleng may mali sa findings ni doctora.

"Where are you going?"

"Kailangan kong kausapin si Dra. Carpio. She needs to help me convince Kirsten. She would understand, I know. She suggested it before."

"I don't get it. What was really happening?" Nakunot-noo pa niyang tanong.

"I can't tell you right now. I need to go," mabilis na paalam ko.

"Samahan na kita. Hindi pa naman ako babalik sa opisina."

"What?" Kumunot ako at mabilis ulit siyang binalingan. "Anong mayroon sa office mo?"

"Wala," seryoso pa niyang sagot.

"Si Chloe?" hindi ko na rin napigilang itanong.

He seemed a little spaced-out lately. Hindi ko nga lang din magawang itanong sa kanya iyon lalo pa nga't madalas na kasama ang barkada. Nagiging ganoon lang naman ang kilos niya sa tuwing uuwi si Chloe sa Pilipinas. At kahit pa yata anong iwas niya ay impossibleng hindi mag-krus ang landas nila. Sobrang lapit ng mga pamilya nila.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon