Chance Daniel
I was trying to put my focus on the plan, but Kirsten almost made me lose my fvcking mind! Ano bang mayroon ang Johan na 'yon at wala siyang ginawa kundi ang ngumiti nang ngumiti! Panay din ang pasimpleng advances ng gago at walang ginawa kundi ang akbayan si Kirsten!
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at pilit na itinuon ang aking atensyon kay Jorge na ngayon ay papalapit na sa kinalalagyan ko.
Pinilit kong ngumiti nang maluwag at pasimple ring hinapyawan ng tingin si Tyrone na walang dudang kay Jorge nakamata. Nagpigil ako ng ngiti at nasisiguro kong sa gagawin namin ay walang paraan na hindi siya kikilos.
And yeah, I would sacrifice my pretty face for this. Sana lang ay hindi muna ako suntukin ng gago!
"Did it come off?" nakaloloko ko pang tanong sabay nguso sa kanyang bikining suot.
Mabilis ko ring hinapyawan ng tingin ang katawan niyang tanaw na tanaw sa linaw ng tubig. Gusto ko lang din makasigurong hindi nga nahubad iyon katulad nang ipinag-aalala niya kanina.
"Baliw!" Sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha at hindi ko naiwasan ang matawa.
"I was just checking, okay? Mamaya kasi pag-ahon mo, e, wala ka na palang suot."
"Tss..." Umirap siya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Jorge was really pretty. Ngayong naarawan nang kaunti ang kanyang mukha ay mas lalo pa yatang gumanda ang kanyang medyo morenang kutis.
"Kanina pa siya nakatingin sa'yo, a," sabi ko pa sabay sulyap sa kinalalagyan ni Ty na nakaupo sa buhangin.
Nagbibilad si Tarah sa tabi niya, pero walang duda na ang buo niyang atensyon ay na kay Jorge.
"Akala mo lang 'yon," nakaismid pang sagot niya sabay irap sa gawi ni Tyrone na nakasuot man ng Aviator ay kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay.
"Come on. I have a plan." Maagap ko siyang hinawakan sa kamay at hinila paahon sa tubig. Wala naman siyang tutol na sumunod at nagpatianod na lang sa gusto ko.
Nang marating namin ang pampang ay walang pag-aalangan ko siyang hinapit sa baywang. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa akin at mabilis ko ring naramdaman ang tensyon sa kanyang hawak.
This was the only way I could think of. Crossing the line would piss Tyrone big time.
"Anong ginagawa mo?!" tarantang tanong pa niya.
"Kunwari hahalikan kita."
"Excuse me?!" Awang ang mga labi niyang tumitig sa akin at hindi ko na naman naiwasang matawa.
"Kunwari lang naman. For sure, bago ko pa man magawa 'yon, may black eye na ako!"
"Siraulo ka talaga!" namumulang aniya sabay pinong kinurot ang aking braso.
"Ouch!" Napaigtad ako at natawa nang malakas.
Hindi man ganoon kasakit ang kurot niya ay kurot pa rin iyon!
"What about Kirsten?" nag-aalalang tanong pa niya sabay sulyap sa kinalalagyan nina Kirsten at Johan na noo'y kaaahon lang din sa tubig.
Nakadikit nang husto ang suot na bikini ni Kirsten sa kanyang katawan at hindi ko mapigilan ang mainis. Malayang nakikita ni Johan ang magandang tanawin na iyon ni Kirsten.
Fvck.
I could kill someone right now.
"What about her?" Pinilit kong magpaka-kaswal, pero ang makitang sobrang lapit nila sa isa't-isa ay umuubos ng pasensya ko. "What the fvck?!" gigil pang nasabi ko at mabilis na inilayo muna ang tingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...