AN:
Pasensya na po ulit. I need to cut this short para sa aking mga batang readers. Hindi naman kailangang mabasa ninyo iyon, hane po? For my mature readers, please click the external link below. Thanks for reading.
Ate Mommy Dean
********
Kirsten
Matapos makaalis na lahat ang aming mga bisita ay pagod kaming umakyat ni Chance sa aming kwarto. Simple pa lang ang aming kasal, papaano na kaya kung bongga na? Naiisip ko pa lang ay na-i-stress na ako.
"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong pa ni Chance na noo'y naghuhubad na ng kanyang suot.
"I just couldn't believe that we're actually married."
Natatawang tumangu-tango siya sabay nagtanggal na rin ng necktie. "Believe it, Baby Girl..."
"But I must commend you. Ang bilis mong naisagawa ang lahat, huh?"
"Ako pa ba?" tila proud pa nitong sabi kasunod ang malakas na halakhak.
Inikot ko lang ang aking mga mata bago pasalampak na inihiga ang katawan sa kama. Kahit yata pagngiti ay napagod na rin ako kanina.
"Don't you dare sleep on me, Baby Girl..." iiling-iling pang sabi ni Chance na noo'y nasa paanan ko na pala at inaalis ang aking sapatos.
"Why? What do you have in mind?" namumula ko pang tanong sabay nakangising dinungaw ang kanyang mukha.
Nagtaas lang naman siya ng kilay at umismid.
"Don't pretend like you didn't know."
"Hindi ko nga a-"
Hindi ko na nagawang ituloy ang sana'y sasabihin ko dahil sa agad na pagdampi ng kanyang mga labi sa aking binti.
"Oh my..." wala pa sa loob na usal ko na sa pakiwari ko'y nagpangisi sa kanya.
"Close your eyes, Baby Girl... Let me just do the work, hmm?" senswal pang aniya dahilan para mas lalong lumakas ang kalabog ng puso ko.
"Chance..."
"Are you shy, Baby Girl?" natatawang tanong pa niya habang unti-unting umaangat ang mga halik nito.
Marahas akong napalunok at wala sa sariling umiling-iling. I wanted him so bad.
We made love.
I made love with the man I'd been loving all this time.
"How are you feeling?" nag-aalalang tanong pa niya sabay tumagilid ng higa at masuyo akong tinitigan sa mukha.
"I'm okay..." natatawang sagot ko pa sabay pisil sa kanyang namumulang pisngi.
He deeply sighed. Para bang noon na lang din siya nakahinga nang maluwag.
"I can't believe that we're married..." natatawang sabi ko pa habang tinatakpan ng kumot ang aming hubad na katawan.
"We just made love, Baby Girl, so, better believe it." Umismid siya bago ako yakapin ng sobrang higpit. "You are really mine now..." malambing pang bulong niya.
Wala ako sa sariling ngumiti.
"I-I'm yours, Baby Boy... Noon at magpahanggang ngayon..."
"I'm glad to know..." nakangising aniya.
I rolled my eyes.
"Really? That's all you can say about that, huh?" may paninita ko pang himig.
Sa halip na sumagot agad ay malakas lang siyang tumawa at hinalik-halikan ang aking ulo.
"You're not actually good in hiding, Baby Girl. You were in love with me, like forever," confident pang aniya na lalong nagpaikot sa mga mata ko.
"Ang yabang, a!" Malakas ko siyang hinampas sa dibdib at natatawa naman niyang hinimas ang parte niyang iyon.
"And I'm in love with you for the longest time I could remember..." Sumeryoso siya at hindi ko napigilang kiligin sa rebelasyong iyon.
Saglit akong umayos ng higa at tinitigan siya sa mukha.
"At least tinupad mo ang pangako mo noong mga bata pa tayo na ako ang pakakasalan mo?"
"You remembered that, huh?"
"Siyempre naman. Hindi ko nakalimutan iyon."
"I know."
Isang mahabang katamihikan. Para bang biglang may sumagi sa isip niya na hindi ko alam kung patungkol pa rin ba sa amin o hindi na.
"What are you thinking?" Hindi ko na ring napigilang magtanong.
Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at hinagud-hagod ng mga daliri niya ang braso ko.
"Bigla lang sumagi sa isip ko si Elma. Muntik na tayong masira dahil sa kanya," pagtatapat din naman niya.
Hindi ko nagawang makakibo agad. Talagang muntik na iyon. Marahil kung nagpadala ako sa sakit na nararamdaman ko ay baka nga nakagawa ako ng desisyong pagsisisihan ko habang buhay.
"Sa tingin mo, alam niyang kasal na tayo?" Iyon na lamang ang nagawa kong itanong.
Tumangu-tango siya.
"I posted a picture of us on Instagram. Impossibleng hindi niya makita iyon," natatawa pang aniya na nagpadilat sa mga mata ko.
"Really?" Kumunot ako at wala rin naman akong maalalang pagkakataong nagkuhanan kami ng picture or what.
"Wait..." Saglit siyang dumukwang sa night stand at inabot ang cellphone nito.
Binuksan nito ang Instagram account at ipinakita nga ang post niya, two hours ago. He was holding me so tight while kissing.
"May pakinabang ang barkada paminsan-minsan," nakangiting aniya habang titig na titig sa pictures naming walang itinatagong emosyon.
He was so in love with me. At kahit pa picture lang ay kitang-kita iyon sa ekspresyon ng kanyang mukha.
He looked so happy.
I looked happy, too.
Saglit kong binasa ang mga comments at karamihan sa mga bumati ay puro kakilala ko rin naman. May mga nabigla at mayroon din namang nagtaka dahil sa mabilisang kasal.
"Elma will be devastated when she sees this."
"I don't care," matabang lang niyang sagot sabay kuha ulit sa cellphone niya at muling ibinalik sa night stand.
"What about her family, Chance?" Hindi ko na rin napigilang mag-alala lalo pa nga't alam kong malapit ito sa pamilya niya.
"You're my family now, Baby Girl. Huwag mo na intindihin ang iba," may himig panermong aniya.
"Pero kasi-"
Hindi ko na nagawang magsalita nang biglang dumapo na naman ang kanyang mga labi sa akin.
"Let's not think about them, huh? Gabi natin, 'to," nakangising aniya habang gumagapang na naman ang kamay nito sa ibabaw ng aking dibdib.
At sa halip na magsalita ay muli ko na lang siyang kinabig at hinalikan ng mariin sa mga labi.

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...