Chapter 25

30.2K 967 56
                                    

Chance Daniel

The jet ride took forty five minutes. Land transportation to the local port took us thirty minutes. I am a bit exhausted, but excited at the same time. Coron, Palawan was one lovely site. The place always took my breath away.

But nah, Kirs was actually more responsible for taking my breath away. She's so beautiful. It almost hurt not being able to touch her.

Pagdating namin sa aplaya ay nag-aabang na ang mga empleyado ni Tito Seb. Sa pagkaalam ko ay may resort din silang pag-aari sa lugar na ito. Though, ang pupuntahan namin ay ipinapagamit lang sa mga pinaka-espesyal nilang bisita na kayang magbayad ng mahal.

Dalawang speed boat kaagad ang bumungad sa amin. Hindi na rin bago nang makita kong may clover leaf design ang mga iyon pati na rin ang surname nilang nakasulat sa ibabang parte ng speed boat.

Kasama ko ang mag-asawang Tito Seb at Tita Ady, Ty, Jorge, Tarah, Kirsten and yeah, Johan, sa iisang speed boat at ang iba naman ay sa kabila. Panay pa rin ang bulungan at ngisian nila Kirsten at Johan na nagpapasira ng araw ko.

Kaya naman sa halip na ibuhos ang aking atensyon sa kanila ay binalingan ko si Jorge na mukhang pagod, pero hindi maikakaila ang pagkamangha sa paligid.

"Okay ka na?" nag-aalalang tanong ko pa sabay hawi sa buhok niyang nililipad ng hangin sa papunta sa kanyang mukha.

"Okay lang ako. Don't worry." Tipid pa siyang ngumiti.

"Good." Kampante ko siyang inakbayan at pasimpleng dinaanan ng tingin si Ty na nakasuot man ng Aviator ay bakas ang nagdidilim na mukha sa pagtitig sa aming dalawa.

I just hope na hindi siya sumabog sa speed boat na 'to at pulutin ako sa gitna ng dagat. That would be a disaster. I really wouldn't like that.

Na-uh.

"For sure ma-e-enjoy mo ang beach, Ate Jordan. Super ganda!" nakangiting sabi pa ni Kirsten na bahagya pang ikinumpas ang kamay sa ere para damhin ang lamig ng simoy ng hangin.

"Mukha nga," tipid na sagot pa ni Jorge.

I was really trying so hard not to look at her with those arms of Johan lingering on her shoulder. Those arms that I wanted to break.

"Ang sweet ng Mommy at Daddy mo," dugtong pa ni Jorge na noo'y titig na titig sa mag-asawa.

"Nauumay ka na ba?" natatawa pang tanong nito.

As much as I wanted to look at her direction, I'd rather not and lose my temper.

"Nope. Nakatutuwa nga sila. Sana ganyan din ang maging takbo ng lovelife ko," Jorge said dreamily.

"Me too," sagot pa ni Kirsten na nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

She was looking straight at me. Pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at muling ibinaling ang tingin kay Jorge na parang napapangiti. Nahuli niya kaming nagtititigan ni Kirs. Iyon ang sigurado ko.

"I hope madami kang dalang bikini, Ate! Sarap mag-pictures dito!"

"B-ikini?" Napalunok pa si Jorge na akala mo ay may mali sa narinig niya.

"Whoa, I'd love to see you on bikini, Jorge," nakangiting biro ko.

"Siraulo!" nakairap namang sagot niya sabay baling ng tingin kay Ty na mukhang kaunti na lang ay malapit na akong suntukin.

Alright, I am positive that this make-Tyrone-jealous was really working. It was actually pretty fun pissing him off.

"Oh, there! Iyon 'yong island namin!" sigaw pa ni Kirsten at matamis na nakipagngitian kay Johan.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon