Chance Daniel
It's been a hell crazy week. Sa sobrang dami ng mga gawain sa school at sasabayan pa ng puyat dahil sa pag-uusap namin ni Kirsten... But yeah, I am not complaining on that part, though, since I loved talking to my girlfriend. Siguro ay sobrang drained lang talaga ako sa sobrang dami ng mga ginagawa sa school.
Tangka na sana akong susunod kina Terrence nang biglang tumawag si Jordan. Nakangiti akong pumaling sa kanyang gawi at nakalolokong ngumiti. Parang alam ko na kung sino ang hahanapin niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagkaka-interes ko sa kanya noon, ngayon ay parang kapatid na lang talaga ang turing ko sa kanya.
But who am I kidding?
Si Kirsten lang ang laman ng puso ko simula pa lang umpisa.
"Chance, nasaan si Ty?" nag-aalangang bungad pa niya.
"Ah, may group project sila. Wala lang magawa at malapit na deadline nila. Hindi ba nagpaalam sa'yo?"
"Hindi, e..." Nahihiya pa siyang umiling at hindi ko pa rin napigilan ang ngumisi.
Jeez... I'd never seen Tyrone so happy. Ngayon lang. At sa piling lang iyon ni Jorge at wala ng iba.
"Don't worry, ikaw pa ang matiis n'on," nanunuksong ani ko pa. "Malapit na ang birthday n'on, a. Any plans?" curious na tanong ko pa. Alam kong excited na rin si Tyrone sa birthday niya. Hindi dahil sa kami ang bisita kundi dahil makakasama niya ang girlfriend niya sa espesyal na araw na iyon.
"Birthday?" gulat na tanong pa niya.
"Don't tell me hindi mo alam?" nakangiwi ko pang tanong habang 'di ko rin mapigilan ang pagsungaw ng nakalolokong ngiti sa aking mga labi.
These guys are impossible. I knew for a fact that they literally couldn't get their hands off each other. Well, I mean, si Tyrone pala iyon. He was so into her.
"What-?" Hindi ko na rin napigilan ang matawa. "Hindi man lang ba kayo nag-uusap? Puro naman yata landian ang inaatupag ninyong dalawa!" panunukso ko pa na nagpula nang husto sa kanyang mga pisngi.
I am not new to this, Jorge. I knew how clingy Tyrone would be.
"Hindi, a!" mabilis na tanggi pa niya sabay irap.
"Really?" I asked, totally not convinced.
Kung ano ang gawain ni Tyrone ay ganoon din ako.
"Nag-uusap naman kami, 'no! 'Di lang sumagi sa isip namin 'yong about sa birthday..." pangangatwiran pa niya na nagpakibit-balikat lang sa akin.
I would rather not comment on that.
"Fine!" nakangisi akong umiling-iling at nagdesisyong sabihin na lang ang petsang hindi niya alam. "Next Sunday na 'yon. May time ka pa para pag-isipan ang gift mo sa kanya."
"Gift?"
"Yeah... Not unless, sarili mo ang gift mo?" nakaloloko pa ring biro ko na mas naka-doble ng pamumula ng kanyang mukha.
"Gago! Bastos!" Mabilis siyang nakalapit at walang tigil na sinapak ako sa braso.
This girl. Damn.
Amazona nga talaga sa lakas niyang sumuntok!
Mabilis akong gumalaw at agad na umiwas. Ganito rin kaya kay Ty ang babaeng 'to? I almost burst into laughter with the thought. Jeez...
"Chill! Just kidding! No wonder ang laki ng takot sa'yo ni Ty. Ang lakas mo manuntok! Para kang si Pacquiao!" tukso ko pa at mas lalong naningkit ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...