Chapter 2

41.7K 1.1K 25
                                    


Kirsten

Luckily, nakapasa ako sa audition. I got the main role and I am pretty happy about it. Actually, super happy. Hindi ko kasi inaasahang makukuha ko ang lead role lalo pa nga't mas marami pa ring magagaling sa akin.

Every after class ay nagkakaroon kami ng rehearsal at nagkakabisa ng mga tagalog na kanta. Palagi ring nakabuntot sa akin si Yuri at parang wala na lang ding magawa sa kanya ang ilang professors. Kilala kasi ang Dad niya sa school dahil sa pagdo-donate ng malaking halaga sa mga charities. And, yeah, wala na sigurong question dahil best friend ko siya.

"Malapit na ang school foundation. Since mauuna naman iyon kaysa sa ating musical play, nire-request na magperform kayo at that time," sabi pa ni Professor Morgan Santiaguel. Siya ang namumuno sa club sa halos limang taon. "And Kirs, I want you to perform for us. You need to make a music video na i-stream natin habang nagpe-perform ka ng live sa stage."

"Sir?" Gulat akong napatitig sa kanya. I need to make a music video? Seriously?

"May problema ka ba?" nakakunot-noo pa niyang tanong.

Ilang beses na umawang ang mga labi ko habang nakatitig ang mga kasamahan ko sa club. I had never done a music video before. Agad na naman akong ginapangan ng kaba hindi pa man. Hindi ko masabing ganoon ako ka-confident pagharap sa camera. When I was young, I was dreaming of becoming an actress. Pero naisip ko, karaniwan naman na yata sa mga bata ang pangarap na iyon. Habang nagkaka-edad ako, nandoroon pa rin ang passion ko sa stage. Pero ang mag-shoot na parang artista talaga? Oh no, I am not quite sure.

"I'd never done any music video before, Sir. I might suck..." nahihiya ko pang pag-amin at iyon naman ang totoo.

"That would be impossible, Kirsten. You looked adorably beautiful on stage. And, I think gan'on din sa camera. Maraming de kalibreng bisita ang Dad mo. Panigurado ko, he would be very proud to watch you perform," nakangiti pa niyang sabi sabay kindat.

Napadiretso ako ng upo at hindi naman sapat sa akin ang narinig ko. Hindi noon matatabunan ang kaba ko.

"Marami naman kayong magkakasama sa music video. It's just, we'll focus on you a little bit more. Para na ring pagpapakilala sa Makabagong Juliet," dagdag na paliwanag pa niya.

Hindi ako nakakibo at tanging simpleng ngiti lang ang ibinalik ko sa kanya. As if I had any choice.

"Kaya mo 'yon, Kirs," nakangiting sabi pa ni Zimmer. His eyes almost glowing while looking at me. Yuri would be very jealous.

"I really hope so," kabado ko pang sagot sabay iwas ng tingin. Masyadong masarap titigan ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako kay Yuri sa tuwing pupurihin ko siya.

Matapos na mapag-usapan ang mga detalye sa gagawing music video ay sabay-sabay na rin kaming lumabas sa AVR. Ramdam kong nakasunod sa akin si Zimmer, pero nagkunwari akong hindi iyon pansin. Nagdiretso ako ng lakad patungo sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya.

"Um, Kirs..." mahina pang tawag ni Zimmer sa aking likod.

Sabi ko na nga ba.

Alanganin akong huminto at agad siyang nilingon.

"Yes?" Nagtaas ako ng kilay at diretso siyang tinitigan sa mukha.

Nakasuot siya ng bullcap na may simbolo ng New York Yankees. Hindi ko man matanaw ng maayos ang mga mata niya dahil doon ay ramdam ko ang bahagyang tensyon sa kanyang boses.

"Are you going home alone?" nahihiya pa niyang tanong.

Agad akong umiling at alam ko na ang ganoong style. Agad na sumagi sa isip ko si Yuri. Paniguradong isusumpa niya ako!

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon