Kirsten
Pagkagising ko pa lang ay hindi na mapalis ang ngiti sa mga labi ko.
Last night was one of my most memorable night ever. Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkausap ni Chance or kung ilang beses niya akong hinalikan. Kinagat ko ang aking labi at pakiramdam ko ay bahagya pa rin iyong nangangapal. Sobrang tagal na panahon kong hinintay ang pagkakataong ito.
Everything felt surreal, but I loved every bit of it.
Nang maramdaman kong gumalaw ang kama ay nilingon ko si Ate Jordan na noon ay parang nakangiti sa kawalan.
"Ate, ang aga mo naman gumising?" Nagkunwari akong nagising lang kahit pa kanina pa rin ako gising. Hindi ko na magawang makatulog dahil sa pag-iisip kay Chance.
I wonder how my parents would react. Okay na rin kaya sa kanilang mag-boyfriend na ako?
"Sorry nagising kita," nakangiwi pang aniya sabay baling sa wallclock.
It was almost seven o'clock in the morning. Sanay man ako sa ganitong gising ay parang bitin pa rin ako sa tulog.
Ugh, Kirs. Sobrang baliw mo na sa pagmamahal na 'yan.
"Sige na matulog ka pa."
Tumango ako at bumaling sa kabilang side sabay yakap sa aking unan. I knew that Ate Jordan was also having her moment. Alam kong maganda rin ang kinauwian nila ng Kuya ko. I am so happy for them. At mabuti na lang din na hindi ko siya kaagaw kay Chance. I liked her too much.
Humikab ako at muling binalingan ang wallclock. Halos treinta minutos lang din pala ang naihirit kong tulog, pero parang ang tagal na noon. Wala na sa tabi ko si Ate Jordan. Mukhang nakapaligo na rin base sa basang tuwalyang nakasabit sa stand.
Tumayo ako at saglit na nag-inat. Kinuha ko ang tuwalya sa stand at tangka na sanang papasok sa banyo nang makarinig ng mahihinang katok.
Tamad akong lumapit sa pinto at binuksan iyon.
"Good morning, baby girl," nakangising bungad pa ni Chance na nagpabilog naman sa aking mga mata.
I looked like a mess. Shit!
"Hey..." Pasimple kong sinuklay ng mga daliri ang aking buhok at dumiretso ng tayo.
"Uhm..." Namumulang napalunok din naman si Chance at mabilis na nag-angat ng tingin. "You should probably cover yourself, baby girl. This isn't a time for me to be vulnerable," natatawang aniya na mabilis din namang nagpatalikod sa akin.
Shit! Wala akong suot na bra sa loob ng nighties ko!
Mabilis na umakyat ang init sa aking mga pisngi at walang pasabing isinara ulit ang pinto.
"You'll be the death of me, baby girl..." natatawang sabi pa ni Chance sa harap ng pinto kasabay din ng mahinang kalabog roon.
Wala ako sariling ngumiti sa kabila man ng hiyang nararamdaman.
I hope he liked what he saw.
Ugh, baliw ka na, Kirs!
Binilisan ko ang paliligo dahil alam kong naghihintay sa akin si Chance. Nakalalamang ding marami na ang gising at nag-uumagahan. Kinakabahan pa rin ako sa magiging reaksyon ng parents ko. Hindi ko alam kung payag na silang makipagrelasyon ako, lalo na si Dad.
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago buksan ang pinto. Nakaupo si Chance sa sahig, pero dali-dali rin naman siyang tumayo at saglit na pinagpag ang kanyang likuran bago humakbang palapit sa akin.
"Morning," nakangiting bungad pa niya.
"Morning..." nahihiya ko rin namang bati sabay ngumiwi. "Sorry kung pinaghintay kita."

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...