Kirsten
Malayo pa lang ay agad ko nang natanaw si Chance na abot-tainga ang ngiti sa akin. We'd been acting like crazy in love fools for the last couple of months. I am not complaining, though. I am very happy being with him.
"Hey, baby girl..." malambing pang bati niya habang nakasandal sa hood ng kanyang sasakyan at mataman akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa.
He looked at me with so much adoration and love. I literally swooned by his reactions all the time.
"Kanina ka pa?" nag-aalalang tanong ko pa lalo pa nga't medyo late ang naging paglabas ko dahil sa defense ng group thesis.
"Hmm... Medyo..." sagot pa niya sabay kabig sa aking baywang at napagitna ako sa kanyang mga hita. "Pero kahit gaano pa ako katagal maghintay, ayos lang."
"Sus. Kunwari pa 'to. Baka naman puro pa-cute mo lang sa mga babaeng dumaraan dito sa parking lot." Ngumuso ako at pigil ang ngiting umirap.
"You can check the cctv if you want, baby girl," naghahamon pang aniya sabay pasada nang mabilis sa aming paligid. "Ikaw lang ang pinansin ko nang ganito."
Sa halip na magkomento ay iniikot ko lang ang aking mga kamay sa kanyang batok at banayad siyang hinalikan sa mga labi. Agad naman siyang napangiti sa ginawa ko.
"My baby girl has grown up, huh? You're initiating the kiss now," nakaloloko pa siyang ngumisi sabay kagat sa kanyang labi.
"Nagrereklamo ka ba?" maktol ko pa sabay tangkang lalayo sana, pero mas naging mabilis ang kilos niya at mahigpit na akong niyakap sa baywang. Kahit na yata hangin ay hindi makararaan sa pagitan naming dalawa.
"Sa tingin mo, ako pa ba ang magrereklamo?" nakangising tanong pa niya habang iisang hangin na lang ang nalalanghap naming dalawa.
"No," nangingiti pa akong umiling at gigil na kinabig niya ako sa aking batok.
He gave me a breathtaking kiss.
"We should get out of here, baby girl. Baka mapatay ako ng Kuya mo," natatawang aniya matapos na banayad akong itinulak palayo sa kanya.
Tumango ako at kinagat ang aking labi. Sa mga panahong magdidikit kaming dalawa, nagiging mas mahirap ang maghiwalay. My whole body was craving for his kisses and touch.
Mabilis kaming sumakay sa kanyang sasakyan at agad din naman niyang pinaharurot iyon palayo.
"My parents invited you to a dinner," anunsyo niya na nagpagulat sa akin.
Kilala ko man ang parents niya ay hindi pa rin naman niya ako naipakikilala bilang girlfriend. Matagal na nanatili sa abroad ang mga ito kaya't ito pa lang ang unang beses na makikita ko sila bilang girlfriend na. Agad na gumapang ang hiya at kaba sa aking dibdib. Impossible mang hindi nila ako magustuhan ay nandoon pa rin ang takot na baka may iba pa silang gusto para rito.
"Binigla mo naman ako," maktol ko pa at agad naman siyang natawa.
"Don't tell me you're nervous, baby girl?" nakangiti pang tanong niya.
Akala mo ba nakatatawang matakot sa parents niya.
"They are your parents, Chance. All along, alam nila parang magkapatid lang ang turingan nating dalawa. Tapos ayan pala..."
"Naging magkasintahan na?" nakangisi pang dugtong niya na nagpanguso sa akin. "Anong problema roon?"
"Puwede bang sa ibang araw?" hirit ko pa.
"No, baby girl. Sinabi ko na sa kanila na girlfriend kita kaya nga gusto ka nilang makasabay sa dinner."
"Hindi ako prepared!" maktol ko pa. "Sana man lang nagpagawa ako ng cake kay Mommy! Nakahihiya!"
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
Storie d'amoreMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...