Chapter 28

33.7K 1K 41
                                    

Kirsten

Sheez, para akong baliw!

Kanina ko pa 'di mapigilan ang sarili kong ngumiti dahil sa nangyari kanina.

Chance is in love with me.

After all these years thinking it was just one-sided love, parehas lang pala kami nang nararamdaman.

"Uy, iba na 'yan, a," panunukso pa ni Ate Jordan.

Noong una ay nakaramdam talaga ako ng selos nang ligawan siya ni Chance Daniel. But somehow ay hindi ko siya magawang kamuhian dahil a part of me really liked her a lot. Nanghinayang lang ako dahil akala ko sila ni Kuya Tyrone. But now that everything was all clear, mukhang magiging bestie pa nga yata kami.

"Yeah, well..." Nahihiya akong ngumiti sabay kagat sa aking labi.

Up to now, parang nararamdaman ko pa rin ang mga labi ni Chance sa akin. Kung sa bagay, si Chance pa lang naman talaga ang first kiss ko. At ako pa ang nag-initiate ng kiss na 'yon dahil sa inis ko sa ex-girlfriend niyang two timer.

"Sabi ko na nga ba, may something sa inyong dalawa, e," sabi pa ni Ate Jordan sabay upo sa bed.

"Paano mo naman nasabi?"

"Naku, kung makikita mo lang kung papaano malukot ang mukha ni Chance sa tuwing makikitang naglalambingan kayo ni Johan. Basta may something, pero 'yon nga lang in denial siya noong umpisa."

"Hindi ko naman pansin, kasi by nature na yata siyang suplado sa akin."

"The more you hate, the more you love ang peg? Sus!" natatawa pang aniya.

Sa tingin ko ang pagiging free-spirited ni Ate Jordan ang minahal ni Kuya Tyrone sa kanya. Kahit naman ako ay gusto ko ang ugali niyang 'yon. Hindi puro pa-cute at paglalandi ang alam.

"Parang gan'on na nga. Iniisip daw kasi niya ang friendship nila ni Kuya."

"Kuwento ka naman, o. Paano ba nangyari ang love story ninyong dalawa?"

"Naku naman, Ate, nakahihiya..." Pakiramdam ko ay nagba-blush ako.

"Sus! Sige na, kuwento na dali!" excited pang pagpipilit niya.

Oh well, hindi naman na siya iba sa akin, why not?

"Actually, Ate, noon pa man love ko na talaga si Chance Daniel."

"Ohh..." Namilog ang kanyang mga mata kasabay ng mga labing nakaguhit ang mapanuksong ngiti.

"Pero hindi alam ni Chance 'yon."

"Ituloy mo lang."

"Mga bata pa lang kami ay magkaibigan na ang mga Daddy namin. Not that they started out good friends dahil kung tutuusin, rivals pa nga sila dahil magkalaban ang mga negosyo nila. I don't know what happened basta parang sa kuwento ni Dad, naging magkaklase sila Kuya Tyrone at Chance Daniel, tapos 'yon na, basta naging best of friends na lang sila. Parang ang closeness ding iyon nila Kuya ang naging daan para maging mabuting magkaibigan ang family namin. I think nag-click sila dahil parehas silang malinis sa negosyo. Fair competition ang naganap sa pagitan nila at parang wala lang sa kanilang dalawa kung sinuman ang malagay sa number one na pinakamagaling at pinakamayamang business tycoon in Asia.

That's when Chance Daniel became almost part of our family. Naging best buddies sila ni Kuya Tyrone ever since, then.

As we grew up together and I came to know the kind of person he was, slowly, I fell in love with him. Iyon nga lang, parang sister lang talaga ang turing niya sa akin. It has always been one-sided love.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon