Chapter 7

29.7K 942 26
                                    

Kirsten

Nang sumapit ang lunch break ay agad kong natanawan si Zimmer na naghihintay sa labas. Panay ang mapanuksong tingin sa akin ni Yuri habang inginunguso si Zimmer na nakatutok ang tingin sa akin. Wala ako sa sariling umiling dahil alam na alam kong hindi ito ang huling beses na iimbitahan niya ako sa lunch.

Nang tumunog ang bell na hudyat na tapos na naman ang isang klase ay dali-daling lumapit sa akin si Yuri na kulang na lang ay magtatalon sa kilig.

"Sinundo ka talaga niya! Naiinggit ako!" hysterical na sabi pa niya sabay hampas sa braso ko.

"Natutuwa ka ba talaga niyan? Parang nananakit ka, e," nakasimangot na sita ko pa.

"Huwag ka nga, 'no. Look at him! Hindi ka man lang ba kinikilig sa kagwapuhan ni Zimmer?" halos tumitili pa ring aniya.

"No," mabilis ko pang sagot sabay ayos ng sling bag sa aking balikat.

"Deny pa 'to!" sabi pa niya sabay irap.

Sabay kaming lumabas ni Yuri at nang matanawan kami ni Zimmer ay mas lalong lumuwag ang ngiti niya.

"Let's go," masayang bungad pa nito sabay lahad ng kamay sa direksyon ng canteen.

Tumango ako at kulang na lang ay mamura ko si Yuri sa mariing kurot niya sa aking braso. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Pero sa halip na mag-sorry ay ngumisi lang siya at ngumuso sa direksyong pupuntahin namin.

I couldn't believe her. Para bang siya mismo ang naimbitahan at hindi ako.

"Mukhang ang daming tao..." agad na puna pa ni Zimmer habang nanghahaba ang leeg sa loob ng canteen.

"Ang dami yatang kumakain ngayon dito," nakakunot-noong puna rin ni Yuri na nanghahaba na rin ang leeg sa pagtanaw.

"Hindi naman matao kapag ganitong oras, 'di ba?" nagtatakang sabi pa ni Zimmer.

He was right. Kapag ganitong oras ay hindi naman nagkakagulo ang mga estudyante sa canteen. Anong mayr'on?

"Try kaya natin sa kabila? Okay lang ba sa inyo?" nag-aalangang sabi pa ni Zimmer.

Magpo-protesta sana ako, pero agad akong kinurot ni Yuri sa braso.

"Mas mabuti pa nga, Zimmer," sagot pa niya na nakapag-paawang sa mga labi ko.

"No, Yuri," mahina ko pang saway habang pinandidilatan siya.

Not at Chance Daniel's building!

"Come on. Mas kaunti nga roon, 'di ba? Halos puro mga babae lang?"

"No, it's alright, Yuri. Kung ayaw ni Kirs, mag-abang na lang tayo ng mababakante," nakangiting sabat din naman si Zimmer.

Buti naman at marunong makahalata ang isang 'to.

"Jeez, guys, look at the crowd. Kailan pa sa tingin ninyo matatapos ang mga iyan kumain?" nakasimangot na reklamo pa ni Yuri.

Pinaikot ko ang aking mga mata at kahit pa may punto siya ay ayokong sabihin iyon. Hindi puwedeng doon kami sa canteen na pinagtatambayan nila Kuya kumain. Not with Chance and with his girlfriend around!

"Whatever, Kirs. Whatever," tila inis pang sabi ni Yuri na nakasambakol na ang mukha.

Hindi na lang ako kumibo at tulad ni Zimmer ay nagmasid na lang ako sa palibot ng canteen. Pero nakalipas ang halos kinse minutos ay wala pa ring nababakanteng upuan! Seryoso?!

"Wait, ayon, o! Tapos na!" mabilis pang kayag ko sa dalawa.

Nanguna ako sa paglapit sa grupo ng mga estudyanteng bakante na ang mga pinagkainan. Tamad namang sumunod lang si Yuri habang si Zimmer ay panay pa rin ang paggala ng tingin sa paligid.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon