Chance Daniel
I was in euphoria for days. I didn't imagine that I'll be this pussy whipped like Terrence, Dalton and Vaughn always used to tease me. But I had been always a little tense kapag kami lang ni Tyrone ang magkasama. He was always so reserved and eerily quiet. Hindi ko alam kung talaga bang tanggap niya ang relasyon namin ng kapatid niya or what.
"So, how are you and Jorge?" lakas-loob ko pang tanong. Sa tingin ko ay ito lang din ang paraan para malaman ko ang iniisip niya sa amin ng kapatid niya.
He slowly tilted his head and looked at me with a slight frown on his forehead. I wasn't really intimidated by the way he looks. Sa tagal naming magkasama ay kabisado ko na ang mood swings niya. Pero dahil sa sitwasyon namin ni Kirsten ay hindi ko masabing natutuwa talaga siya sa akin.
"We're okay," malamig niyang sagot bago muling ituon ang atensyon sa kanyang cell phone.
Hindi man lang ba niya ako tatanungin pabalik?
"Um... about Kirsten... I-"
"You love my sister. That's all that matters to me, dude," putol pa niya sa akin bago muling pumaling sa akin at tipid na ngumiti. "But if I saw a single tear on her beautiful face, I will fucking cut your balls," nagbabantang ani pa niya bago umismid.
Okay, yeah. Fair enough.
"I love her. You knew that."
"Yeah. I was a little surprise that it took you forever to realize that," sarkastiko pa niyang sabi na nagpatawa sa akin.
"I value our friendship, dude. Ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang closeness nating dalawa," paliwanag ko pa na bahagyang nagpatango sa kanya.
"You were good for him, Chance. Believe me, I'd witnessed that," sabi pa niya bago humugot ng isang malalim na buntong hininga. "Kung si Dalton nga siguro ang nanligaw kay Kirsten, baka nga hindi pa siya nag-uumpisa, tinapos ko na ang pagkakaibigan naming dalawa."
I laughed at that. Dahil kung nangyari man iyon, ako rin siguro ang kauna-unahang kokontra.
"So, we're cool, huh?"
Tumango lang naman siya at seryosong tumingin sa akin.
"But don't you fvcking come close to Jordan. You are not allowed to be anywhere near her. You got that?"
"Whoa, dude..." Hindi ko napigilang humalakhak.
It was the first fvcking time he threatened me for a girl. He got it really bad, huh.
"Jordan is all yours. Kuntento na ako kay baby girl. Sa 'yo na ang amazona," natatawang sabi ko pa na bahagyang nagpangiti sa kanya.
"Then, I think we're cool," tumatangong aniya sabay kagat sa kanyang labi.
Nagmamadali siyang tumayo at saglit na inayos ang nalukot na damit.
"Where are you going?" nagtatakang tanong ko pa.
"Ihahatid ko si Jorge. See you later," tipid pang sagot niya at dali-daling tumalikod.
Wala ako sa sariling umiling at pinagmasdan ang paglalakad niya palayo. I'd never seen Tyrone this happy. Jordan was so lucky to have him. They both deserved each other.
Nang mawala si Ty sa aking paningin ay dali-dali na rin akong tumayo at binaybay ang daan papunta sa classroom ni Kirs.
Hindi naman na kaila sa buong campus kung ano kami. Maging sina Tyrone at Jorge ay naging tampulan ng usapan. Saktong pagtapat ko sa classroom ay nagliligpit na rin ng gamit ang professor. Agad kong natanawan si Kirsten na mabilis ding gumuhit ang ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...