Chapter 12

28.3K 939 31
                                    

Chance Daniel

Blangko akong nakatitig sa kawalan kahit pa pari't parito na ang mga estudyante sa aking harapan. Everyone seemed very excited with this week event. Karamihan ay sobrang abala at maging ang mga professors ay hindi rin nagtuturo. Foundation day was always the best, maybe because we usually didn't need to study.

"Come on, dude, magsisimula na ang performance ni Kirs," nakangiting kayag pa ni Terrence habang sina Dalton at Vaughn ay nagpapalitan ng kakaibang mga tingin.

"I'm not going," matabang ko pang sagot.

"Really?" natatawa pang singit ni Dalton.

I dared not look at him. I could already imagine the mock on his fvcking face.

"'Wag kj, dude. Naghihintay na sa atin si Tyrone roon. Come on!" Si Vaughn na nakipagsikuhan pa kay Dalton na panay pa rin ang ngisi.

"It's boring," kunwari ay walang interes ko pa ring sagot.

"Boring pala, huh? Kaya pala sa kuwento ni Ty, simula pagkabata, ikaw ang isa sa number one supporter ni Kirs," nakangising singit ni Terrence.

Umiling ako at sa totoo lang ay malapit na rin akong mapuno sa nakakaasar na patutsada at ngisi nila.

"Alright, fine! Let's go! Ang dami ninyong satsat!" iiling-iling ko pang sabi at nagpatiuna na sa kanilang tatlo.

"Now, that's my baby boy!" natatawang sabi pa ni Dalton kasabayan nang tawa nina Vaughn at Terrence.

Even if I wanted to act not affected, it's just so hard. Only Kirsten could do this to me. I am totally disoriented when it comes to her. Naiisip ko pa lang ang pag-arteng gagawin nila ni Zimmer ay gusto ko nang magwala! Damn it!

Nagkakagulo na sa Convention Hall nang makarating kami. Nang matanawan kami ni Tyrone ay agad siyang sumenyas sa aming sumunod. May kung ilang estudyanteng nagkagulo rin sa presensya ng barkada. Paglingon ko sa aking likuran ay sobrang lawak nang ngiti nina Vaughn at Dalton na mukhang nag-e-enjoy sa atensyon na kanilang nakukuha. Umiling ako at muling ibinalik ang tingin kay Ty na nasa tapat ng aming uupuan.

Malaki rin ang convention hall. Kung hindi ako nagkakamali ay kakasya roon ang buong populasyon ng school.

Bago pa man kami makaupo ay agad din naming natanawan ang mag-asawang Greenes na sumalubong rin sa amin.

"Chance, hijo," nakangiting salubong  sa akin ni Tita Ady.

"Hey there, Tita. Kumusta po?" masayang bati ko rin naman sabay halik sa kanyang pisngi. She's definitely a hot Mom. No wonder Tito Seb couldn't take his hands off her.

"I am good, Chance. Akala ko hindi mo na panonoorin si Kirsten," parang nagtatampo pa nitong sabi.

"He wouldn't miss it for the world," nakangising singit pa ni Terrence sabay halik din sa pisngi ni Tita.

I almost rolled my eyes. He wasn't wasting time, huh?

Binati rin namin si Tito Seb na katatapos lang kausapin ang school principal.

"We invited your family, Chance, pero naka-schedule pala ang parents mo sa Paris ngayong week," nakangiting sabi pa ni Tito Seb sabay tapik sa aking balikat.

"Opo. Anniversary po kasi nila sa Sunday."

"May balak pa ba silang sundan ka?" natatawa pang tanong nito.

"I don't think so, Tito," natatawa kong sagot. "Mukhang hindi na talaga puwedeng magbuntis si Mommy." Sa pagkakaalam ko ay muntik na ring mag-agaw buhay si Mommy sa panganganak sa akin. Daddy didn't want to risk my Mom's life, so, he didn't attempt to get her pregnant again.

"Too bad," may panghihinayang pa nitong sabi.

Nagkibit-balikat na lang ako at nilingon sina Dalton na nagsisipag-upuan na. Isang beses din akong tinapik ni Tito Seb sa balikat bago tumabi sa kanyang asawa na katabi ni Ty. I really wanted a sibling, pero ano nga bang magagawa ko kung hindi na talaga ubra si Mommy. Kaya siguro sa murang edad ay ang bilis ko ring napalapit kay Tyrone. I'd always wanted a brother, but I would never want Kirsten for a sibling. There's just no way would I want that.

Nah.

Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na rin ang program. Saglit ding nagsalita si Tito Seb sa stage at kahit pa may edad ay hindi maikakaila ang lakas ng charisma ni Tito. Ang mga babaeng estudyante ay kinikilig pa rin sa kanya. Kung marahil wala si Tita Ady ay pinagkaguluhan na naman ito.

May mga nagsayaw, kumanta at kung anu-ano pang performance ang naganap. I nearly dozed off kung hindi ko lang narinig na binanggit ang pangalan ni Kirsten.

Dumiretso ako nang upo at itinutok ang tingin sa stage. Madilim sa buong hall at ang tanging may ilaw ay ang stage. Napuno ng tilian sa buong hall nang lumabas si Zimmer na nakasuot ng faded ripped jeans at white v-neck shirt. May fog effect din sa stage na sinabayan ng iba't-ibang kulay ng mga ilaw.

Pero nang magsimulang pumailanlang ang boses ni Kirsten sa buong hall ay parang tumigil din ang puso ko sa pagtibok.

Damn.

♪♫ Take a sip of my secret potion,

I'll make you fall in love.

For a spell that can't be broken,

One drop should be enough.

Boy, you belong to me,

I got the recipe

And it's called black magic. ♪♫

She's definitely smiling at me when she sang that part. I pulled back a smile. But damn, she could sing and she could make my heartbeat gone crazy!

"I don't think there's a need for a black magic, don't you think so, dude?" nakangisi pang bulong ni Terrence.

"Will you shut your fvcking mouth?" inis ko pang sabi.

Istorbo.

Mahina lang naman siyang humalakhak sabay mahinang siniko ulit ako. What an asshole.

Muli kong ibinalik ang atensyon sa stage. She was smiling so frequently in my location. Naalala ko tuloy kung papaanong hinahanap-hanap ko ang ngiti niyang iyon sa tuwing papasyalan ko sila ni Tyrone sa kanilang mansion. I thought I was just crushing on her, but when I became so protective of her, I knew that what I felt for her was different. It was deep.

Napuno nang palakpakan ang buong convention hall. Nakatayo na ang lahat nang magising ako sa aking diwa. Nakangisi pang bumaling sa akin si Terrence na akala mo alam ang tumatakbo sa isip ko.

The whole performance was amazing, mainly because Kirsten owned that stage.

She was so beautiful.

Though, I really hate those parts when Zimmer was so close to her body.

I simply hated it.

I really fvcking hated it.

Did I mention I hated it?

Damn.

********

Sorry po. Hindi ko na-realize na maiksi pala itong draft ko. Peace!

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon