Chance Daniel
Hinila ko si Jordan papunta sa likuran ng canteen at sumilong sa isa sa malalaking puno roon. Mataas man ang sikat ng araw ay malamig ang simoy ng hangin. Ang tahimik at mabining ihip ng noon ay tila sumasapat para bahagyang humupa ang hindi ko mapangalanang damdamin.
Mabilis kong iginala ang tingin sa paligid at nang matiyak na walang tao ay tsaka na lang ako nakahinga nang maluwag.
Good.
Gusto kong makausap nang masinsinan si Jorge. At hindi ako makapagtatanong kung nand'on si Tyrone.
"I know that I am not in the position to ask you this, but I just felt the need to ask," seryosong panimula ko pa habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. "What is it you're not telling me, Jorge? May something ba sa inyo ni Ty?" diretso ko pang tanong na bahagyang nagpagulat sa kanya.
Damn it. I should have seen it. Umpisa pa lang ay may kakaiba na sa pagitan nila ni Tyrone. How could I miss it?
"W-ala..." Marahan pa siyang umiling habang pilit na tinatantiya ang aking magiging reaksyon.
I wouldn't deny. I kinda feel sad about it. I liked her. Wala naman akong ibang babaeng nagustuhan maliban kay Kirsten.
"But Kirsten said, you're Tyrone's girl? I don't understand," naguguluhan ko pang sabi.
"I-I am not his girl..." Muli siyang umiling na para bang gusto niyang makumbinsi ako sa sinasabi niyang iyon. "One time na akong nadala ni Ty sa mansion nila kaya ko nakilala si Kirsten. Akala rin nila noong una na girlfriend ako ni Ty. Pero kaya lang naman din ako nasama sa kanya kasi kaibigan siya ng cousin kong si Cary at nagpumilit lang ako na sumama dahil gusto kong makita kung saan siya nakatira. Pero 'yon lang talaga. Friends lang kami," giit pa niya.
That was possible. But the fact that Tyrone actually give in to her plead to come to his home was a big deal. A fvcking big deal. Hindi iyon personalidad ng kaibigan ko.
"Ty likes you..." I said in as a-matter-of-fact tone. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling itutok ang aking tingin sa kanyang magandang mukha.
"Ikaw... Puro ka biro!" Mapakla pa siyang ngumiti at mahinang hinampas ako sa balikat. I smiled bitterly as I bit my lip and looked away.
"He likes you," siguradong sabi ko pa sabay baling ulit ng tingin sa kanya.
"Impossible 'yon. Friends lang talaga kami," mariing tanggi pa niya habang parang ang tingin niya sa akin ay nasisiraan na ako ng bait.
"That dumbass..."
Iiling-iling akong ngumiti habang naglalaro ang mga imahe ni Ty nitong nakararaan. Kung papaanong palagi ko siyang nakikitang nagnanakaw ng tingin kay Jorge. Kung papaanong nagpamukha siyang suplado kay Jorge, pero deep inside, he was really into her. Pilit lamang niyang itinatago ang nararamdaman dahil nag-aalangan siya sa akin. He knew that I liked Jorge.
"You're off limits, Jorge. Kaya pala gan'on na lang ang mga reactions niya sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo."
"Naku, Chance! Kung anu-ano ang iniisip mo. W-ala 'yon! Impossible 'yang iniisip mo!" kontra pa niya habang sobrang pula na ng kanyang mga pisngi.
Umiling-iling ako at nagpamaywang. She knew that there was something going on between them. At kung in denial man siya ngayon, iyon ay dahil wala pang ginagawang hakbang si Tyrone. I could understand her on that part.
"I really like you, Jorge. I really do," seryosong sabi ko pa at agad na rumehistro ang pagkamangha sa kanyang mukha.
I was blunt the past few days. I was giving her my attention and time. She knew my intentions at hindi pagkakaibigan lang iyon. But my attraction for her was probably not as big as Tyrone's.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...