Chapter 30

32.3K 937 24
                                    

Kirsten

I am my happiest when I'm with Chance.

Wala na yata akong mahihiling pa sa ngayon. Sobrang saya ko sa piling ni Chance. Hindi ako makapaniwala na may mas isasaya pa pala ang araw na naging kaming dalawa.

Naging tampulan kami ng tuksuhan at usap-usapan sa campus. Maging sina Kuya at Ate Jordan ay ganoon din. Pero kung mayroon mang mas naiintriga, iyon na nga siguro si Kuya. Marami ang nagtataas ng kilay sa relasyon niya kay Ate Jordan. But I am super proud of my brother dahil talagang balewala lang sa kanya ang pagtingin ng ibang tao. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi si Ate Jordan.

"I couldn't believe na may bayag na pala ang boyfriend mo," nakaismid pang sabi ni Yuri matapos kong ikuwento sa kanya ang lahat. "Sayang at wala ako roon para masaksihan ang lahat," may panghihinayang pang dugtong niya.

"Ikaw, e. Ang saya kaya," nangingiti ko pang sabi.

She rolled her eyes dramatically.

"Hindi nga halata, girl. Halos mapunit na nga ang mga labi mo kangingiti," nakairap pang aniya.

"Bakit? Ikaw din naman, happy kay Zimmer, 'di ba?" balik-tukso ko pa.

Simula noong magkahiwalay sila ng dati niyang boyfriend ay literal na niligawan talaga niya si Zimmer. Yeah, siya ang nanligaw. It was awkward at first, dahil hindi naman normal sa babae ang manligaw. But she's head over heels in love with him. Kaya naman kahit noong umpisang hindi pa siya pinapansin nito ay hindi niya iyon sinukuan. Ginawa niya ang lahat para makuha ang puso nito. At hindi ko rin alam kung papaanong na-develop sa kanya si Zimmer at naging sila.

"Yeah. Ang gwapo kaya ng boyfriend ko," kinikilig pang aniya na nagpahagikhik sa aming dalawa. "Who would have thought na maidadaan ko ang kuyumad na 'yon sa pagpapa-cute ko at sa green hair ko?" proud pa niyang dugtong na mas lalong nagpatawa sa akin.

"I knew right," sang-ayon ko naman kasabay ang pag-iling iling.

"Buti na lang talaga at kahit noon pa man bantay-sarado ka na ni Chance at hindi ka na nagawang pormahan ng kolokoy na iyon," kuwento pa niya na nagpagulat sa akin.

"Wait. Alam mo?" kunot-noo ko pang tanong lalo pa nga't wala naman siyang naiku-kuwento sa akin.

"Oo. Alam ko," nakairap pang aniya. "Pero mas pinili kong hindi sabihin sa'yo, dahil ang bagal kumilos ng manok mo." Ngumuso siya at muling umirap-irap. "Baka kung noon pa lang sinabi ko na sa'yo, wala ka nang ginawa kundi maghintay at umasa."

"But you should have told me!" maktol ko pa kasabay ng hampas sa kanyang braso.

"At ano? Para hindi mo man lang ma-enjoy ang company ng ibang lalaki? Look, Kirs, it took him forever to realize that he has to take action. Sobrang bagal. Parang pagong," nakasimangot pang aniya.

At kahit pa wala namang nakatatawa sa sinabi niya ay hindi ko pa rin naiwasan ang matawa dahil sa kanyang reaksyon. Mas mukhang affected pa ang isang 'to kaysa sa akin.

"Kahit na! Sana sinabi mo man lang or ni Zimmer." Ngumuso ako at manipis na umirap.

"Si Zimmer? E, patay na patay nga sa 'yo ang kuyumad na 'yon. Liligawan ka naman na talaga niya dapat noon, kaso ang pabebe mong boyfriend, tama bang pagbantaan siya ng kung ano-ano."

I couldn't believe this. Nagawa talaga ni Chance iyon?

"At ito pa. Remember? Iyong ilang beses na nakasasabay natin si Zimmer sa lunch tapos palagi tayong walang maupuan? Pakana ng boyfriend mong ewan!"

"At kanino mo naman nalaman iyan?"

"Gosh, Kirs. Wala ka na bang tiwala sa antenna ko?" nagdudumilat pang tanong niya na nagpatawa nang malakas sa akin. "I have resources, you know? Daig ko pa ang black box sa sobrang linaw ng mga nasasagap ko! Kaya 'yang Chance mo, naku, ewan. Territorial. Umpisa pa lang, harang na agad ang mga boys na may gusto sa 'yo!"

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon