Chance Daniel
I couldn't deny it. I am so pissed off. How could she let Zimmer kissed her shoulder? Hindi naman siguro dapat lumagpas pa sa yakap ang play na 'yon! Nag-iisip ba siya?!
Ugh, Chance, you got it so bad!
"Bad mood?" nakangising tanong pa ni Terrence matapos kong magwalk-out sa AVR. May ilang klase pa akong susunod, pero parang wala na akong ganang pasukan. Tumambay ako sa malaking puno ng balite dahil ito ang area na mas madali kong makikita si Kirsten kapag lumabas na siya sa AVR.
"Wala," nakasimangot na sagot ko pa at nagpamukhang busy sa pagbabasa ng libro.
"Is it about, Kirs?"
Pinigilan kong mag-angat kaagad ng tingin at umiling. Ayoko lang ding makarating pa 'to kay Tyrone. Hindi ko rin naman alam ang magiging opinyon nito sa nararamdaman ko. Besides, it was all clear to us, his sister was off-limits.
"Ano namang kinalaman ni Kirsten dito?" kunwari ay wala pang pakialam na tanong ko.
Manipis lang siyang tumawa at saglit kong sinulyapan ang ekspresyon ng kanyang mukha.
He wasn't convinced at all.
"Oh c'mon, dude. Pati ba naman sa akin magde-deny ka pa?" natatawang aniya. "I am not like Dalton or Vaughn. Hindi kita ilalaglag kay Tyrone," natatawa pang dagdag niya.
"Wala akong dapat i-deny dahil wala naman akong kailangang aminin," seryosong sabi ko pa nang hindi tumitingin sa kanya. Mahusay makiramdam si Terrence. Mahirap na. Mas pipiliin ko pa ring wala na lang aminan ng feelings.
"Alright, sinabi mo, e," sabi pa niya sabay ismid. "Pero seryoso ka ba d'yan kay Miley?"
"Bakit naman hindi?" matabang na sagot ko lang. Mas maganda na sigurong topic 'yon kaysa maungkat pa ang tungkol kay Kirs.
"Are you fucking kidding me, dude?" natatawa pang aniya habang iiling-iling.
Magtatanong-tanong kung seryoso tapos magtatawa lang. Baliw din, e.
"And, what is so funny? Miley is incredibly beautiful and sexy," irritable ko pang sagot sabay ismid.
"She's not just the type of girl you date, dude. Hindi kayo bagay. She's the wild one and you're the boy next door."
"I am not the boy next door," pasuplado ko pang sagot.
"Kaya ka nga gusto ka ni Kirsten dahil ikaw 'yong boy next door sa aming tatlo nina Dalton at Vaughn," natatawa pa ring aniya. "But good thing, I am not a fuckboy like them," tawang-tawa pa ring dugtong niya.
Hindi ko napigilang mangiti dahil totoo naman ang sinabi niya tungkol kina Dalton at Vaughn. Sa dami ng mga naging babae nila sa school, kulang na lang ay maging girlfriend nila ang lahat nang magaganda at sexy. Ultimo ang nagpapantasya kay Tyrone na nawawalan ng pag-asang mapansin ay nakukuha nila nang walang kahirap-hirap. And yeah, hindi nga sila katulad ni Terrence because he was more like me.
The good guy.
Halos mag-jive kaming tatlo nila Tyrone pagdating sa babae. Pinakasuplado nga lang talaga si Tyrone na napipilitang makihabubilo sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Same rin kami ng taste sa babae kaya't kataka-taka sa kanila na nagustuhan ko si Miley. Pero wala naman akong ibang option maliban sa kanya. Mas madali ang tumalikod sa sitwasyong pinasok ko kay Miley kumpara sa babaeng alam kong sobrang seryoso.
"At gusto mong paniwalaan kong hindi ka fuckboy?" natatawa ko pang tanong.
Agad naman siyang humalakhak kasabayan ang pag-iling.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...