Chapter 47

27.9K 928 25
                                    

Kirsten

Spending my everyday life with Chance was the happiest I could remember. Kung gaano kabilis ang naging desisyon namin sa pagpapakasal, ganoon din naging kabilis ang pagkalat ng balita tungkol sa amin.

May mga haka-haka pa ngang lumabas na kaya kami nagpakasal ay dahil buntis ako. I couldn't blame them, though. Kahit naman yata ang sarili kong pamilya ay inaasahan na kaagad na buntis ako since sinabi rin naman ng magaling kong asawa na may nangyari na sa amin bago pa man maganap ang kasal. Pero nakalipas ang ilang buwan ay tsaka lang sila tila nakumbinsing hindi ako buntis dahil hindi rin naman nila nakitang lumaki ang aking tiyan.

Mabilis na lumipas ang mga buwan ng halos hindi namin namamalayan. May mga panahong hindi man kami nagkakasundo ni Chance sa ibang bagay, pero hindi rin lilipas ang ilang minuto na hindi kami magkikibuan. We always patch things up and make up in bed.

My husband may look like a boy next door, but his sex drive was for a beast. But yeah, I am definitely not complaining. Making love with him always felt like the first time. It was sweet and magical.

"Where are your plans now, Yuri?" tanong ko pa minsang nagkita kami sa isang coffee shop.

Yuri was working at Terrence's company. Sa pagkakaalam ko'y nagbabalak siyang mag-abroad matapos lang na ma-experience niya ang magtrabaho.

"I still don't know. Hindi pa rin naman approve ang application ko sa Dubai," tila walang ganang sagot pa niya bago humigop ng kaunti sa kanyang latte.

"Gusto mo ba talaga roon? Mahihiwalay ka kay Zimmer," nanunuksong ani ko pa.

She dramatically rolled her eyes.

"Bahala siya sa buhay niya!" nakairap pa niyang sagot.

"LQ ba kayo?"

"Nope! I mean, hindi naman away talaga. Nainis lang ako kagabi," iirap-irap pa rin niyang sagot.

"Huh? Bakit naman?" Kumunot ako at matamang tumitig sa kanyang mukha.

"Remember Chance's Elma?"

"She wasn't his Chance, Yuri," maagap ko ring pagtatama.

"Sabi ko nga!" Umismid siya bago magpatuloy. "I couldn't believe na nakikipagkaibigan siya sa babaeng iyon!"

"Baka naman kakilala ng pamilya nila."

"Maski na. Ayoko sa batang 'yon! Baka pati sa amin ay maging kontrabida siya!" naiinis pang aniya bago padabog na sumandal.

"Ano ka ba? Hindi pa ba halatang inlove na inlove sa'yo si Zimmer at nate-threaten ka pa sa babaeng 'yon?"

"Ayoko na lang pagdaanan pa namin ang pinagdaanan ninyo," matigas pa niyang sagot. "Ang gusto ko layuan niya ang babaeng iyon for good!"

Umiling lang ako at saglit na humigop sa kape ko.

"Hindi ko nga alam kung anong problema ng babaeng iyon. Kung sino pa ang may girlfriend, siya pang pinupuntirya," irita pa ring aniya. "Tinigilan na ba niya si Chance?" Taas-kilay pa siya.

"Nag-message siya once sa IG ni Chance, pero hindi naman na sinagot ng asawa ko kaya hindi naman na nasundan. That was two months ago, I think," maikling kuwento ko rin naman.

At hindi na rin naman ako threatened dahil wala na rin namang pakialam ang asawa ko rito. At mukhang nagsasabi rin naman siya ng totoo base na rin sa mga reaksyon niya.

"Mag-iingat ka pa rin sa batang iyon. Wala akong tiwala sa kanya," paalala pa niya.

Tumango lang ako dahil kahit hindi naman niya sabihin ay hindi ko rin naman hahayaang magkaroon pa ng komunikasyon ang dalawa.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon