Chapter 42

26.4K 918 53
                                    

Chance Daniel

Halos hanggang tanghali akong nagkulong sa kwarto. Maraming beses ding nag-ring ang landline, pero hindi ko na iyon sinagot. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa sobrang pag-iisip.

Kumusta na kaya si Baby Girl?

Gustuhin ko man siyang puntahan ay takot akong magdesisyon siya kaagad ng hindi maganda tungkol sa aming dalawa.

I didn't think I could take that.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Parang nahuhulaan ko na kung sino iyon dahil sa malalakas na boses.

Tamad kong binuksan ang pinto at agad na nabungaran ang nanlilisik na mga mata ni Tyrone.

"Dude-"

Hindi ko nakuhang ituloy ang sasabihin dahil dire-diretso siyang pumasok na akala mo ba pag-aari rin niya iyon.

"Yeah, come in," sarkastiko ko pang sabi kasunod ang malalim na buntong-hininga.

Makahulugang umiling sa akin si Terrence at maging sina Dalton at Vaughn ay hindi maipinta ang mukha. Nagdiretso sila sa kusina at naghalungkat ng puwedeng kainin. Si Tyrone ay nakaupo sa bar stool at diretsong nakatitig sa akin.

"You've got a lot of explaining to do," sarkastiko pang panimula ni Terrence na naupo rin sa bar stool, katabi ni Tyrone.

"Seriously, dude, si Elma?" iiling-iling pang untag ni Dalton na hawak na ang Nutella.

I almost forgot, he had this insane relish for Nutella.

"One of her fvcking friends stole my phone and Elma posted the video using my account," mabilis na paliwanag ko naman habang pasulyap-sulyap kay Tyrone na hindi ko alam kung bigla na lang manununtok or what. "I'm telling you the truth. I have nothing to do with this. Kung may kasalanan man ako rito, iyon ang nagtiwala pa rin ako sa kabila ng nangyari dati. It was a mistake to go out with her and her fvcking friends."

"Did you kiss her?" diretsong tanong ni Tyrone na nakamamatay pa rin ang titig sa akin.

"No," maagap ko rin namang sagot. "Look, hindi ko sure kung naikuwento ko sa inyo or what, Elma had this thing to me since childhood."

"I think naikuwento mo sa akin 'yan," sagot din naman ni Tyrone na kung hindi ako nagkakamali ay medyo nagliwanag ang mukha. "I just didn't think that you're keeping in touch with her."

"Kaibigan din ng family namin ang mga Chua. And besides, parang kapatid lang naman ang turing ko kay Elma," paliwanag ko pa. Judging from Tyrone's reaction, mukhang hindi rin siya naniniwala sa napanood niya.

Thank, God.

"Hindi ko lang naisip na magagawa pa rin niya ang bagay na iyon. I thought she changed."

"But you kissed her," si Vaughn na umismid pa.

"I didn't, she did," mariing sagot ko pa. "Hindi ko naman akalain na itutuloy niya ang dare na iyon. Nabigla rin ako." Mabilis akong bumaling kay Tyrone na sobrang seryoso pa rin ng mukha. "Hindi ko magagawang saktan ang kapatid mo, dude. Alam mo kung gaano ko kamahal si Kirsten!"

Hindi man kumibo si Tyrone sa sinabi ko, alam kong naniniwala siya.

"How did Kirsten react?" si Terrence na nakidutdot pa sa Nutellang hawak ni Dalton.

"Fvcking gross!" nakangiwing sabi pa ni Dalton sabay tabig sa kamay ni Terrence.

"How do you think she'll react?" inis na balik-tanong ko rin naman.

Ngumuso siya at tumangu-tango.

"Judging from what happened, I think she'll dump your ass."

"Yeah," halos duet pang sang-ayon nina Dalton at Vaughn na tumango-tango pa.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon