Chapter 20

28.9K 910 52
                                    

Kirsten

Nag-aalangan man ay nilakasan ko na lang ang aking loob na puntahan si Kuya sa canteen na madalas nilang kainan nina Chance Daniel. It's been a while. At hindi ko kayang sagutin sa sarili ko kung nakamove-on na nga ba ako o papaano? Ang huling pagkikita namin ni Chance ay noong nakaraang taon pa. Noong last minute audition para maging Romeo ko sa play. Matapos noon ay iniwasan na namin ang isa't-isa sa abot ng aming makakaya.

Pero dahil sa aking katangahan, wala na akong ibang choice kundi puntahan si Kuya. Wala ako ni singko sa bulsa. Nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay. Hindi pa rin dumarating si Yuri at mukhang hindi rin makapapasok. Nahihiya naman akong pabalikin ang driver para lang doon.

I felt so anxious when I reached the canteen. Hindi ko alam kung ano nga bang ipinagdarasal ko. A part of me didn't want to see him, but a big part of me was anticipating he's there.

I missed him so much.

Bago pa man ako tuluyang makapasok sa canteen ay agad ko ring namataan si Jordan sa may pinto. Wala ako sa sariling napangiti dahil sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Siya lang din ang kauna-unahang babae na dinala ni Kuya sa mansion at nakilala ng parents namin. Though, my big brother was still in denial, we all knew that he liked Jordan.

A lot.

"Ate Jordan!" nakangiting bati ko pa pagbungad pa lang papasok sa canteen.

"Hi, Kirsten!" masayang bati rin naman niya at hindi maikakaila ang pagtatakang gumuhit sa kanyang mukha. Hindi pa man ay parang nahuhulaan ko nang iniisip niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong agad niya.

Exactly what I expected. Hindi naman ako palakain sa canteen na ito. Normally ay sa kabilang canteen malapit sa building namin ako kumakain kahit pa kung tutuusin ay karaniwang mas kaunti ang tao sa canteen na tambayan nila Kuya.

"Dito ako nag-aaral?" natatawa pang sagot ko trying to joke about it.

"Oo nga naman..." Nakangiti naman siyang nagkamot ng ulo bago dumiretso ulit nang tayo. "Ngayon lang kita nakita rito sa canteen na 'to. Iyon ang ibig kong sabihin," paglilinaw pa niya kahit na alam kong alam niyang nagbibiro lang din ako sa sinagot ko.

"Sa kabila kasi ang tambayan ng barkada, Ate." Ngumiwi ako at nag-alangan sa term na ginamit ko. Wala nga yata akong maituring na barkada kundi si Yuri. "I was looking for Kuya and then, I saw you kaya nilapitan kita."

"Ah, kaya pala."

"Nakita mo ba si Kuya?"

"Oh!" Mabilis pa niyang nilingon ang wallclock hindi kalayuan. "Antayin mo na lang. Padating na 'yon."

"Great! Hihiramin ko kasi ang card n'ya. Nakalimutan ko kasi bitbitin ang wallet ko."

"Ah, padating na 'yon. Gusto mo mag-merienda ka muna rito? Treat ko!" pang-iingganya pa n'ya. At kahit na wala akong balak na mag-merienda ay mukhang wala akong choice.

She seemed excited.

"No, it's okay, Ate Jordan. Treat ko na lang 'to," nakangiting sabi ko pa sabay upo sa bakanteng table.

"No, treat ko na. Afford ko naman ang food dito. Iyon ay kung kumakain ka sa ganitong lugar?" nag-aalangan pang aniya sabay iginala ang tingin sa paligid.

Hindi ko alam kung tensyonado lang siya kaya niya naitanong iyon. Natural na kumakain ako sa canteen dahil dito ako nag-aaral. Pero bago ko pa man siya masagot ay agad ko na ring natanawan si Kuya na diretsong nakatitig sa kanya bago bumaling ng tingin sa akin.

"Kuya!" Mabilis akong tumayo at sinalubong ng halik sa pisngi ang aking kapatid.

Sa edad naming ito ni Kuya ay hindi naman nabawasan ang sweetness namin sa isa't-isa. Kung titingnan ay parang aloof si Kuya, pero sobra siyang maalaga pagdating sa akin. He was a sweet and very loving brother. Iyon yata ang nakuha niya kay Dad. And speaking of Dad, he was the best in the world.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon