Chance Daniel
We were secretly hiding when Tyrone arrived at the bar. Marami-rami na rin ang mga customer kaya't alam kong impossibleng mapansin niya ang tropa at pati na rin ang parents niya. When he positioned himself at the center of the stage, he looked really tensed and flushed. This was the first time he would be doing this. He was so in love with Jordan that he would actually do the thing he wasn't doing before. It was a big deal. I knew that, for sure.
"Ang gwapo ng Kuya ko talaga!" nakangising sabi pa ni Kirsten habang mahigpit na nakakapit sa aking braso.
"Our son is so handsome, baby..." nakangiting sabi pa ni Tita Ady kay Tito Seb na halos magningning ang mga mata sa pagtitig dito.
After all this years, I'd witnessed how their love flourishes each passing day. I wanted that kind of love. I'd been wanting that with Kirsten for as long as I could remember.
"And he's in love, baby, like I am with you always," malambing pang sabi ni Tito Seb.
Pero agad ding naalis ang tingin ko sa kanila nang maramdaman ang pinong kurot ni Kirsten sa aking braso.
"Stop staring at them. Ganyan talaga ang parents ko, Don't feel weird about it," bulong pa niya kasunod ang hagikhik.
"I don't feel weird about it, baby girl. They were in love like we were in love with each other," sabi ko pa sa mas seryosong pananalita.
Ngumiti lang naman siya at mariing kinagat ang kanyang labi.
"Ehermm,.. Good evening everyone."
Agad kaming napatingin sa stage at ang barkada ay agad na nagsigawan at sipulang parang mga bakla. Jeez... I still couldn't imagine how I end up being friends with these dickheads.
"Lumapit tayo! Dali!" sabi pa ni Kirsten sabay marahas na hila sa aking braso papunta sa direksyon ng kanyang kapatid.
Iiling-iling akong sumunod kasunod na rin ang parents niya at ang barkada.
Nang tamaan ng spotlight si Tyrone ay lalong nahalata ang kanyang tensyon. Agad din naming namataan si Jordan na halatang gulat sa nangyayari.
"Jordan, please come out. Please," pakiusap pa ni Tyrone na panay pa rin ang paggala ng paningin sa buong bar. Pero sa tantiya ko ay hindi pa rin niya kami napapansin kahit na sobrang ingay na nila Terrence sa likod.
Ilang hakbang na lang ang lapit namin kay Cary nang itulak niya si Jorge papunta malapit sa stage. Nang makabalik si Cary sa aming puwesto ay inikot lang niya ang kanyang mga mata.
"Gosh, papatayin ako ni Ty!" hysteria pang aniya habang pinapasadahan ng tingin ang tropa na ngayon ay may hawak na cell phone, video recording the whole fvcking thing. But I think I should, too.
"I bet that would be 101% possible, Cary," sang-ayon ko pa na mas lalong nagpatiwarik ng kanyang mga mata.
Mabilis kong dinukot ang aking cell phone at pinindot ang camera. Muli naming itinuon ang atensyon sa stage habang si Kirsten ay sinesenyasan ang mga taong tumahimik.
"A-no bang ginagawa mo, Ty?!" mahinang sita pa ni Jorge na hindi ko man nakikita ang mukha ay nasisiguro kong kasing pula na ng kamatis.
She's not comfortable with the attention.
"I'm sorry, Mahal ko. I am really sorry," malambing na sabi ni Ty.
May kung ilang kababaihan ang napabuntong-hininga na lang sa simpleng litanyang iyon ni Tyrone. Noon pa man, habulin na siya ng mga babae. Pero sobrang pihikan talaga niya at walang sineryoso.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...