Chapter 51

34.4K 758 52
                                    

Chance Daniel


Hindi naging madali ang plano. May kung ilang araw na naging sunod-sunod ang punta namin sa maliit na hospital na iyon para lang mai-set up nang maayos ang mga camera sa dapat nitong kalagyan. May mga pagkakataon pang muntikan na kaming mahuli ng security dahil sa sobrang ingay nina Vaughn at Dalton. Kung papaanong nagagawa naming makalusot ay hindi ko na rin alam. Basta't ang alam ko lang, bihasa na talaga sina Vaughn at Dalton sa pagpapalusot.

Tulad nang napag-usapan, si Terrence ang trumabaho sa camera at sina Vaughn at Dalton naman sa secretary ni doktora at sa mga nurses na naka-duty doon. May isang beses na sumama si Tyrone at nakatulong din para maka-distract doon.

"Okay pa rin ba, Lee?" kuryosong tanong ko kay Terrence na noon ay abala kabubutingting sa laptop.

"Everything is looking great, dude. Ako pa ba?" natatawang aniya sabay pakita sa screen ng kanyang laptop.

He's right. Nai-set nang maayos ang camera. Walang lugar na puwedeng lusutan si Elma kapag nagkataon.

"Anong oras ang check-up ni Kirs?"

"After an hour. Wait. Tatawagan ko siya." Agad kong dinukot ang cellphone, pero hindi pa man ako nakaka-dial ay agad kong natanawan sa screen ng laptop ang pamilyar na pigura.

Si Elma!

"Obviously, that brat had it all planned, huh? Alangan namang nagkataon lang na nandoon siya sa kaparehong petsa ng punta ninyo ni Kirs?"

Napatiim-bagang ako. Hindi ko naisip na hahantong ang lahat sa ganito. Akala ko'y malala na ang nagawa niya noon sa amin ni Kirsten, pero may mas ilalala pa pala.

"Kaya naman pala nalilibang silang lahat..." naiiling pang sabi ni Terrence habang pinapanood namin si Elma na nagpamigay ng malalaking boxes ng pizza.

Naipon ang mga secretary ng ilang doctor at pati na rin naka-duty na nurse sa station at pinagsaluhan ang mga pagkaing dala ni Elma. Matapos makipagkuwentuhan saglit ay kinausap nito ang secretary ni Dra. Carpio na si Malou at nakingiti pa iyong tumangu-tango.

Binagtas nito ang kahabaan ng lobby at pasimpleng pumasok sa maliit na cubicle ni Malou.

"Zoom that cam, Lee!" utos ko pa at agad din naman siyang sumunod.

"We just caught our rat, dude," nakangising aniya lalo pa nga't huli sa aktong may pinapalitan itong gamot sa mga nakaayos na reseta roon. "Ano pang kinukuha ninyo kay Malou kung may gamot namang ibinibigay si doctora?"

"Mga vitamins lang iyon."

Matapos na mapalitan ay alistong gumalaw ulit si Elma at pasikreto namang pinasok ang opisina ni doctora. Wala si doctora roon kaya't malaya siyang nakapagbuklat.

"Kaninong folder ang hawak niya, dude? Zoom mo!" muli ay utos ko sa kanya at may kung anong pinindot sa keyboard at agad ngang na-zoom sa folder ang camera. Medyo blur man iyon ay basang-basa ang nakasulat doon.

Kirsten Ford.

Gotcha!

Mabilis muling gumalaw si Elma at dali-daling pumasok sa comfort room.

"Shit. Pumasok sa loob!"

"That's not a problem..." nakangisi pang aniya at may kung ano na namang pinindot sa laptop.

"You fvcking installed a camera in the comfort room?!"

Malakas na humalakhak ang gago.

"I had nothing to do with this. Idea nina Vaughn at Dalton ito."

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon