Chance Daniel
Saglit kong kinalma ang aking sarili bago tuluyang pumasok sa hotel na tinutuluyan ni Elma. I couldn't believe her. Sa tinagal-tagal naming nag-uusap bilang magkaibigan, hindi ko naisip na gagawan niya kami nang ganito ni Kirsten. She knew how much I love my girlfriend. Sa isang iglap, pinakawalan niya ang tiwalang ibinigay ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.
She's been obsessed with me even before she migrated in Los Angeles.
Sa totoo lang ay hindi na bago ang ginawa niyang pagpo-post ng video sa account ko. Noong kabataan niya ay pasikreto rin niyang kinuha ang cell phone ko at kinuhanan ang sarili niyang naliligo sa bath tub. She posted that video on my account because she wanted to show off to her friends. She made it look like that I am obsessing about her.
Kinausap ako ng mag-asawang Chua dahil sa video na iyon. At kahit pa hindi ko ginawa ay alam kong kahit papaano ay nalamatan ang tiwalang mayroon sila sa akin. Akala nila'y umaarte akong spoiled brat kid playing with girls.
Pinalagpas ko ang pangyayaring iyon sa isip na bata pa si Elma.
Nang umalis sila patungong Los Angeles ay naisip kong para sa kabutihan na rin niya iyon. She was sorry for what happened and she confessed that her friends knew that she got a little crush on me.
I forgave her and we started anew.
I was always fond of her because she's really sweet and kind. At siguro nga, parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya dahil matagal-tagal din naman kaming naging magkaibigan. Hindi nga lang nabigyan ng pagkakataon na makilala niya ang magkapatid na Tyrone at Kirsten dahil sa Los Angeles na sila nanirahan noon.
We chat most of the time on my Instagram account. Ang pagkakamali ko lang ay hindi ko siya naikuwento man lang kay Kirsten. Hindi ko rin naisip na importante pa iyon sa mga panahong sobrang saya ko sa girlfriend ko.
Damn that kid.
Nang nasa tapat na ako ng suite ay muli na namang nagpuyos ang damdamin ko. Nasaktan ko si Kirsten sa paraang hindi ko naman sinasadya. Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na buntong-hininga bago pindutin ang door bell.
Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon at bumungad ang tila inosenteng mukha ni Elma.
"Hey, ang aga mo naman pumasyal," nakangiting bungad pa nito, pero sa halip na sumagot ay seryoso akong dumiretso papasok. Ni hindi ko hinintay na imbitahan niya akong pumasok.
Wala na roon ang mga kaibigan niya at hindi ko alam kung matutuwa ba akong siya lang ang sasalo sa mga sasabihin ko. Kinasabwat niya ang mga kaibigan niya at gusto ko ring marinig nila ang sasabihin ko!
"Where the hell are your friends, Elma?" matigas na tanong ko pa na bahagyang nagpagulat sa kanya.
"They've g-one h-ome..." tila natatakot pa niyang sagot at isang beses na lumunok.
"Looks like I didn't have any choice, huh?"
Muli siyang napalunok.
"Anong problema?"
"What the fvck did you do, Elma?" Pinilit kong kumalma.
"W-what do you m-mean?"
"What the fvck did you fvcking do?!" sigaw ko pa na bahagyang nagpatalon sa kanya.
I am so mad that I wanted to wring her goddamn neck!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Chance Daniel," deny pa niya na lalong nagpakulo ng dugo ko.
"Ganyan ka na ba talaga?" Kumunot ako at matalim siyang tinitigan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kapatid ang turing ko sa 'yo?!"
"H-hindi ko main-"

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...