Chapter 8

30.5K 1K 31
                                    

Kirsten

Matapos naming makakain ay nagmamadali kong kinayag si Zimmer at Yuri palayo roon. Hindi ko na rin nagawang magpaalam sa aking kapatid at siguro ay ipapaliwanag ko na lang sa text. Ayokong lumingon sa kinaroroonan ni Chance at nang malandi niyang girlfriend.

"Ayos ka lang, Kirs?" tanong pa ni Zimmer na nakapagpabalik ng diwa ko.

Naglalakad pala kami nang hindi ko man lang namamalayan ang paligid ko.

"O-kay lang. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko." Makahulugan pa akong tumingin kay Yuri na parang naaawa namang tumitig sa akin. Noon pa man ay alam na niya ang pagkagusto ko kay Chance. All along, iniisip kong parehas kami nang nararamdaman at tamang pinipigilan lang niya ang feelings niya para sa akin dahil na rin sa kapatid ko. Pero ngayong may kalampungan siyang iba, hindi ko na naman alam ang iisipin ko.

Masyado nga ba akong nag-a-assume na gusto niya ako?

"Nilalagnat ka na naman ba?" Nag-aalalang pinigilan ako nito sa paglalakad at agad na kinapa ang aking noo.

Saglit naman akong natigilan sa paghawak nito at napatitig sa gwapo nitong mukha.

"I-I'm okay... Wala kang dapat ipag-alala." Pinilit kong ngumiti at muling sinulyapan si Yuri na ngayon ay parang nagpipigil ng ngiti. I knew exactly what she was thinking.

"Mainam na rin ang sigurado, Kirs. Ayokong magkaroon ng ibang partner sa play," seryosong sabi pa nito sabay pisil sa aking pisngi. That gesture made me think of Chance.

"That will never happen, Zimmer."

"Good. So, can we start the photoshoot after your class or tomorrow na?" nakangiting tanong nito sabay nagpamulsa.

"Kahit mamaya, okay na ako," tumatangong sagot ko. Mas mainam na ring hindi kami magahol sa oras. Nakahihiya rin naman na naantala na nga ang photoshoot dahil sa pagkakasakit ko.

And besides, Chance was not around. Walang kontrabida.

"Dito na ang building ko. See you later, guys," paalam pa nito sabay nagmamadaling nagtatakbo at hinabol ang ilang kaklase siguro sa susunod na subject.

"You are one lucky girl, huh?" Nakataas pa ang kilay ni Yuri habang nakatitig sa aking mukha.

"Why is that?" walang interes ko pang tanong sabay naglakad ulit.

"Zimmer seemed to be really interested with you and Chance is obviously making you jealous."

Muli akong napahinto sa paglalakad at taas ang kilay na hinarap siya.

"Chance? Bakit naman nadamay pa sa usapan si Chance?"

"Are you seriously asking me that?" Umismid siya at umiling-iling. Siya naman ang nagdiretso ng lakad at ako naman ang napasunod.

"May girlfriend na nga, 'di ba? Anong pinagseselos ang sinasabi mo?" nakasimangot ko pang sabi habang nakatingin sa aming dinaraanan.

"Hindi ako makapaniwalang hindi mo nakikita ang nakikita ko samantalang ikaw ang mas matagal na nakasama," iiling-iling pa niyang sabi.

"What do I need to see? May girlfriend na nga, 'di ba?" Sumimangot ako dahil nakaseselos pa rin ang nakita ko kanina. Mukhang dadalhin ko pa ito sa suite hanggang mamayang pag-uwi.

"Habang abala siya r'on sa sinasabi mong girlfriend niya, sa iyo siya nakatingin," sabi pa niya sabay hinto. "He was hiding his feelings kasi tinatantiya rin niya ang Kuya mo sa magiging reaction nito."

"Baka naman namamalik-mata ka lang," kontra ko pa.

Ang hirap pa rin paniwalaan na gusto niya ako ngayong nakukuha niyang makipaglampungan sa iba.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon