Kirsten
Halos magkagulo sa buong mansion dahil sa malakas na sigaw ni Kuya. Paalis pa lang sana noon si Chance, pero agad din siyang napabalikwas ng balik nang marinig si Kuya.
Wala man akong idea sa nangyayari, pero parang may kutob na ako. Pero 'wag naman sana!
"Kirs, where's Jorge?" tarantang salubong kaagad ni Kuya.
"H-indi ko alam, Kuya. B-akit? Anong nangyari?" magkakasunod ko pang tanong na lalo pa yatang mas nagpataranta sa kanya.
"Where the fvck did she go?!" sigaw pa niya na nagpagulat sa lahat.
"Kuya, ano bang nangyari?"
"Nakita niya ang album, Kirs," tuliro pang sagot niya na halos dumurog sa puso ko dahil sa sobrang awa para sa kanya. "She looked calm and I thought she was okay! I should have told her. Hindi ko naisip na ganito agad ang solusyon niya."
Nanginginig niyang hawak ang kanyang cell phone at natitiyak kong numero ni Ate Jordan ang tinatawagan niya.
Nag-aalalang tumitig sa akin ni Chance na mukhang alam na rin ang nangyayari. Ito na nga ba ang kinatatakutan namin.
"Halos kalalabas lang niya twenty minutes ago," ngarag na sabi ni Daddy na malalaki ang mga hakbang palapit sa kinatatayuan namin ni Kuya. Nakasunod din si Mommy na hindi maitatago ang pag-aalala para sa aking kapatid.
Marahas na ginulo ni Kuya ang kanyang buhok at walang tigil na nagda-dial sa cell phone.
"She's not answering!" desperadong sabi nito.
"I will try to call her," sabat pa ni Chance na agad ding nakalayo at marahil ay tinatawagan din ang numero ni Ate Jordan.
"Hindi pa siya nakalalayo, dude." Si Dalton na makahulugan pang sumulyap sa akin. "Puwede pa natin siyang habulin," suhestiyon pa niya.
Tatangu-tango namang sumang-ayon si Kuya at walang pasabing lumabas ng mansion.
Mabilis na nagsisunuran ang ibang barkada at maging si Chance ay nagmamadaling pumunta sa kanyang sasakyan.
"Sasama ako!" maagap na desisyon ko pa bago pa man ako mapagbawalan nina Mommy.
"Mag-iingat kayo," nag-aalalang bilin pa ni Mommy habang si Daddy ay abala rin sa pagtawag sa cell phone.
Tumango ako at nag-aalalang sumulyap sa sasakyan ni Kuya na agad ding nawala! Kulang na lang yata ay paliparin niya ang kanyang sasakyan makaalis lang sa mas mabilis na paraan.
"Pinalipad yata ng Kuya mo ang kotse niya, a," iiling-iling pang sabi ni Chance.
Nagsipagbusinahan ang ibang barkada ni Kuya at nagpatiunang umalis sa amin.
"Saan kaya siya possibleng pumunta, Chance?"
"I have no idea," umiiling pang sagot niya. "Walang kaalam-alam si Jorge tungkol sa father niya."
"Mukhang ganoon na nga. Akala ko nai-open na ni Kuya ang tungkol doon. Hindi pa pala."
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at mas binilisan ang pagmamaneho.
"Hindi lang siguro naisip ni Ty na maglalayas si Jorge. Actually, hindi ko rin naisip na ganoon agad ang gagawin niya. Isip ko, magsasabi siya sa Kuya mo, once na nalaman niya."
"But sadly, that didn't happen."
"Tawagan mo si Cary, Baby Girl," utos pa niya na agad ding niluwagan ang suot na necktie.
Tumatango akong sumunod at agad ngang tinawagan ang pinsan ni Ate Jorge na si Cary. Hindi rin naman nagtagal ay agad na sumagot iyon.
"Cary!"
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...