Chapter 6

32.9K 988 32
                                    


Kirsten

After spending my entire day with Chance, pakiramdam ko ay gumaling na talaga ako. Ayoko man sana gumaling pa para mas magtagal ang pag-aalaga niya sa akin kaso naman ay alam kong impossible iyon.

I got it so bad, huh?

"So, you mean to say, halos buong maghapon mo kasama si Chance sa suite mo?" hindi pa makapaniwalang tanong ni Yuri habang may kung anong hinahanap sa aking mukha.

"Yes," I replied while rolling my eyes. Nakadadalawang ulit na kasi siya sa pagtatanong. Hindi ko alam kung anong sagot ba ang ine-expect niya sa akin.

"And, you what? You just slept?"

"Yes," tipid na sagot ko pa rin sabay umiling. "Look, Yuri. Just ask me the freaking question! Ang dami mong eklay!" reklamo ko pa sabay irap.

"Did you two kiss?"

I was expecting that. Alam ko namang ganoong ka-advance ang utak niya.

"No," matabang na sagot ko pa.

"You look disappointed," natatawa pang aniya na nakapag-paikot ulit sa mga mata ko. Ang galing ng babaeng 'to!

Okay, I was a bit disappointed. He's confusing. Maraming beses na malagkit ang titig namin sa isa't-isa, then, bigla na lang siyang magsusungit. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa utak niya.

"Why would I be disappointed?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan.

Pero sa halip na sumagot agad ay ngumisi lang siya at nagkibit-balikat.

"What?" untag ko pa na nagpahalakhak sa kanya.

"Spit it out, Kirs. You love him. Hindi simpleng crush lang ang nararamdaman mo for him. You love him. Noon pa. And, the reason you can't look at the other guys drooling over you, it's because of him," sigurado pang sagot niya.

Magpo-protesta sana ako, pero hindi ko na itinuloy. She was so right about everything. What was the use of denying it?

"Like I would admit that to him, Yuri. Ako pa rin ang babae rito," malungkot ko pang sabi sabay iwas ng tingin. 

Nasaan na lang ang respeto ko sa sarili ko kung ako pa ang unang aamin sa aming dalawa? Siya pa rin ang lalaki. Mas naniniwala akong dapat na mauna pa rin siyang magsabi.

"You're right," sabi pa niya nang tumatangu-tango. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw pa niyang magsabi sa'yo?"

"H-indi ko rin a-" agad akong natigilan nang matanawan si Chance na papalapit sa kinalalagyan namin.

Kinagat ko ang aking labi at hindi pa man ay nagwawala na ang puso ko. Umalis siya nang walang pasabi sa suite ko kagabi. Iniwan na niya akong nahihimbing nang tulog.

"Who the hell is that girl?" matigas pang sabi ni Yuri na noon lang nakapukaw ng atensyon ko.

Agad na umangat ang kilay ko sa pagtitig pa lang sa babae. I knew that girl. Kung hindi ako nagkakamali ay kaklase ko siya sa isa sa mga subjects ko.

She's a cheerleader.

Let me correct that. Malanding cheerleader.

"Bakit ka-holding hands siya ni Chance?"

Hindi ko na nagawang tapunan ng tingin si Yuri dahil mas na-focus ako sa kamay n'ong babae na nakahawak sa kamay ni Chance.

"Oh, I remember. Siya 'yong anak ng isang senator..." mahina pang sabi ni Yuri. "Si Miley. The cheerleader. The slut," bulong pa niya with a distaste tone.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon