Chance Daniel
It took a lot of convincing to make Kirsten agreed to ask for a second opinion. Sa huli ay napapayag ko rin siyang magpatingin sa ibang hospital as long as hindi muna namin daw ipapaalam sa parents niya ang mga nangyayari.
Alam ko namang inaalala lang din niya ang Mommy niya. Sobrang nag-aalala na ito para kay Tyrone at ngayon ay dadagdag pa siya. At iyon ang iniiwasan niya. Ayaw daw niyang tuluyang magkasakit ang Mommy niya dahil sa pamumuroblema sa kanilang magkapatid. She was such a good daughter and that made me adore her more.
"Her examinations were all clear. Wala rin akong makitang naiiba sa puso niya," ani pa ni Dr. Yuseco habang hawak ang resulta ng mga examinations na ginawa sa asawa ko.
"Are you sure, doc?" hindi pa makapaniwalang tanong ni Kirsten na mahigpit pang humawak sa aking kamay.
"Yes. Everything is normal."
"Bakit po nanghihina ang asawa ko kung ganoon?" Hindi ko na rin napigilang sumingit. "At may panahong hindi siya makahinga?"
"Hindi akma ang mga gamot na ipinapainom sa kanya. May halong pampakalma kasi iyon kaya't nakakaantok. Actually, those meds are not really that dangerous, but the feeling of not feeling well, triggered on how she handles her emotions. Puwedeng sa halip na masaya lang, na-stress siya dahil sa iniisip na bigat ng pakiramdam. Sa halip na naglalakad para ma-exercise, nakahiga lang. Instead na payapa lang, maraming iniisip. Those stress-related feelings were not good for her and the baby. We wouldn't want a sad mom, wouldn't we?"
"Pero-" Dumukot ako sa bulsa at agad na ibinigay rito ang mga gamot na nakuha ko kay Dra. Carpio. "Eto po iyong nirereseta niya..."
Agad na kumunot si Dr. Yuseco at saglit na binasa iyon.
"Vitamins ito para sa buntis. Hindi ito ang gamot na nauna ninyong ipinasuri sa amin," iiling-iling pang sabi nito sabay bukas sa table nito at mula roon ay inilabas ang gamot na nakalagay sa clear plastic bottle. "Ito ang ibinigay ni Kirsten sa amin."
"Wait, Baby... Nakalagay lang ba sa ganyang botelya ang ibinibigay sa iyo ni doctora?" kunot-noo ko pang tanong.
"Hindi naman sa kanya direktang nanggagaling ang gamot kundi sa secretary niyang si Ms. Malou. After ko maibigay ang reseta ni doc, siya na ang kumukuha at may labels na 'yong gamot."
"Normally, kapag marami kasi ang pasyente, talagang sa assistant na rin namin ibinibilin ang mga gamot. May reseta lang namin kumbaga, para alam lang iyong ibibigay sa pasyente," singit pa ni Dr. Yuseco.
Saglit kaming nagkatinginan ng asawa ko at base na rin sa pagtingin niya sa akin ay parang nagtatanong.
"I think Elma has something to do with it..." Hindi ko na rin napigilang sabihin.
Awang ang mga labing tumitig siya sa akin na para bang hindi inaasahan ang sinabi kong iyon.
"E-elma? What do you mean?" Kumunot siya at tiim-bagang na tumitig sa akin.
"I'll tell you later, Baby..." naiiling ko pang bulong sabay baling muna kay Dr. Yuseco. "How's the health of my wife and my baby?" Hindi ko na rin nagawang itago ang pag-aalala.
I just couldn't believe that Elma would go this far. She's insane!
"For now, I think they're both doing fine. Medyo mababa ang dugo ni Kirsten, but we could work on that. Mainam na ring nadala siya rito ng maaga."
"Thank, God..." naiiyak na usal pa ni Kirsten sabay yakap sa akin.
Tila noon na lang din ako nakahinga nang maluwag.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...