Kirsten
"I can do it. I can be her Romeo..."
Agad akong napaangat ng tingin nang makita kung sino ang nagsalita. Akala ko ay nagkaringgan lang ako noong una, pero mukha ni Chance ang bumungad sa akin. Saglit niya akong tiningnan, pero mabilis din niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Prof. Morgan na halatang nasorpresa rin sa pagsulpot niya.
"Chance?" lito pang sambit ni Prof. Morgan at saglit din akong tinapunan ng tingin. "Are you sure about this?"
"Why not," malamig pa niyang sagot sabay tinapunan din ng tingin ang ilang basketball player na pare-parehas na nakakunot-noo sa kanya.
"I don't think it was even fair to just give him the role without auditioning," malamig na sabi pa ni Jack sabay ismid.
"Who mentioned about me taking the role without auditioning?" malamig pa niyang tanong sabay baling kay Prof. Morgan na mukhang naguguluhan pa rin sa nangyayari.
"Just saying," sarkastikong sabi pa ni Jack at muling umismid.
Oh, I think he found his new best friend, huh?
"Alright, enough! Mag-audition kayong lahat. Let's see who's got the talent to deserve this role," iiling-iling ding sabi ni Prof. Morgan sabay taas sa script. "I'll give you thirty minutes to memorize part of the script. Can you do that?" seryosong tanong pa ni Prof. habang iginagala ang tingin sa lahat.
Nagtanguan naman ang mga tinanong pati na rin si Chance na saglit lang din akong tinapunan ng tingin.
I couldn't believe this. Akala ko ba galit siya sa akin? What the hell was he doing here?
Ipinamigay ni Prof. Morgan ang part ng script sa mga mag audition at kanya-kanya ring nagpulasan papunta sa kung saan para magkabisa ng script. Tanging sina Chance at Jack ang naiwan sa AVR at naupo lang kung saan may available na mauupuan.
Nakangising lumapit sa akin si Prof. Morgan na para bang manghang-mangha sa nangyayari.
"Noong una, wala namang nagkainteres na mag-audition. Kaya nga si Zimmer na rin kaagad ang naging choice. But now you're here, biglang dumami ang gustong mag-audition?" natatawa pa nitong sabi sabay pasikretong sumulyap kay Chance na abala rin sa pagbabasa ng script. "I was more surprise with that one."
"Me too, Sir," matabang ko rin namang pagsang-ayon.
A part of me wanted him to get the role, but half of me didn't want him to. Ugh, I hate feeling like this.
"But whom do you want to get the role, Kirs?" maintriga pang tanong ni Prof. habang naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit wala pa siyang sabihin ay alam kong may ibig siyang ipakahulugan sa ngiting iyon.
"Kung sinuman po ang papasa sa panlasa ninyo, Sir." Iyon na lamang ang isinagot ko dahil ayoko ring pag-isipan niyang mayroon sa pagitan namin ni Chance. Tama nang ako na lang ang nagkamali na mayroong espesyal sa aming dalawa.
"Pero bagay kayo ni pretty boy," nakangisi pa nitong inginuso si Chance na agad namang napataas ng kilay nang mahuli kaming sabay na napatingin ni Prof. sa kanya.
Umiling ako at sa totoo lang ay ayoko na yatang umasa. Nakapapagod umasa.
"But then, we'll see. Let's see what he got," sabi pa nito sabay kindat sa akin.
Mabilis din siyang nakalayo at dalawang beses na pumalakpak para kuhanin ang atensyon nina Chance at Jack na seryosong nagkakabisa.
"Thirty minutes," nakangising paalala pa nito bago magmartsa pababa sa stage.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomansaMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...