Chapter 44

28.9K 978 99
                                    

Book Cover Photo by Monica Esmile

Thanks po ulit dito. 😘😘😘

********

Kirsten

Ilang araw din akong umiwas kay Chance. Maraming beses siyang nagtangkang lapitan ako, pero dahil na rin sa reaksyong nakikita niya sa mukha ko ay nagagawa niyang pigilan ang sarili niya.

Gad, I missed him.

Hindi ko masiguro kung talaga bang okay na ako o naghihintay lang ako sa mas pinag-effort-an na sorry tulad nang sabi ni Yuri.

"Wala ka pa bang balak lumubay sa pag-iinarte, Kirs?" nakaismid pang tanong ni Yuri.

Umirap ako at ngumuso sa kanya. Ibang klase talaga ang babaeng 'to.

"Hindi ako nag-iinarte," nakasimangot na sagot ko.

Hinihintay ko lang naman na lumapit si Chance. Ayoko namang lumabas na parang hinahabol ko siya sa kabila nang nangyari.

"Babae rin ako. Sa mga titig mo na 'yan sa jowa mo, obvious namang nami-miss mo na siya," nakairap pang aniya. "At alam ko ring na-realize mo na, na nagsasabi siya ng totoo."

Umirap ako at binalewala ang kanyang sinabi. Siguro nga ay mas gusto ko lang na mas mag-effort siya sa pagso-sorry. Pero bakit nga ba parang mas nagi-guilty pa ako ngayon?

Ano na, Kirsten?

"Alam mo, madali lang kausap 'yang jowa mo. Magsabi ka lang at magkakandarapa na 'yan palapit sa'yo," nangingiti pang aniya.

"Nahihiya rin ako, Yuri," pag-amin ko na rin.

"Dahil hindi ka nagtiwala sa kanya?"

Tumango ako at malungkot na ngumiti. Sa ilang araw na pag-iisip ay tsaka ko lang din na-realize ang pagkakamali ko. Kung sana ay tinawagan ko siya at tinanong sa nangyari. Masyado akong nagpadala sa emosyon.

"Don't blame yourself, Kirs. Natural lang naman ang naging reaction mo. Ayos na rin na minsan nag-aaway kayo. It's part of growing up," natatawang aniya na nagpailing sa akin.

"What should I do then?"

"Tinatanong pa ba 'yan? E, 'di lapitan mo na at makipag-usap ka." Humalukipkip siya at ngumuso. "Mahal ka ni Chance. Kung hindi pa obvious iyon, magpatingin ka na sa doctor." Umismid siya at manipis na umirap.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at tumingin sa kawalan.

"Ilang araw nang malungkot jowa mo. Batiin mo na kasi."

Tumango ako at tipid na ngumiti.

Siguro nga ay kailangan ko na rin makipag-usap para matapos na ito.

Kaya naman kinahapunan matapos ang klase ay tumiming ako para puntahan siya sa palagiang pinagpaparkingan ng kanyang sasakyan. Pero hindi pa man ako tuluyang nakalalapit ay agad kong namataan ang kausap niyang babae.

Si Elma.

Mariin akong pumikit at pinigilang manugod. I couldn't believe this. After all she's done, nakukuha pa talaga niyang makipag-usap sa babaeng 'yon!

Nagkubli ako at pilit na nanainga sa kanilang pag-uusap.

"I don't want to talk to you, Elma. I had enough of your attitude!" inis pang ani ni Chance na halatang nagpipigil na magalit nang kuntodo.

"Chance Daniel, please. Hindi ko lang talaga maiwasang magselos sa inyo ni Kirsten."

"Kirsten is my girlfriend! Hindi naman ikaw! Ano bang hindi malinaw sa'yo roon?" iiling-iling pang sabi ni Chance na mukhang malapit na ring maubusan ng pasensya.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon