Chance Daniel
"What's up with you, dude? Space-out ka yata," puna ko kay Tyrone na nakatingin sa kawalan at parang sobrang lalim nang iniisip. Sobrang ingay sa bar, pero parang hindi man lang din niya alintana iyon.
"Wala naman, may naiisip lang ako," tipid na sagot pa niya habang sinusundan ng tingin ang tropa ng mga babaeng palapit sa kinalalagyan namin.
Dalton and Vaughn immediately grabbed the girls. These two weren't really wasting time. May mga babae ring agad na tumabi sa amin nina Ty at Terrence.
Unlike Dalton and Vaughn, mas behave kaming tatlo. Hindi kami basta-basta pumapatol sa mga babaeng nakilala lang namin sa bar, not unless, we knew they came from a decent family. Those girls who wanted nothing from us. Though lately, bihira lang ang mga babaeng ganoon lalo na nga't alam nilang kilala sa lipunan ang mga pamilya namin. Most of them wanted to get close and hoping to get more from us which will not happen. Dalton was well acquainted with the owner, so, we got the best service. Kung hindi man dito ay sa bar kami nila Ty tumatambay.
"Eto na pong order n'yo, sir," nakangiting bungad pa ng waitress habang mabilis na iginagala ang tingin sa aming lahat. Nang tumigil ang titig niya sa akin ay mabilis akong ngumiti.
"Oh, I know you. You're Jordan, right?" I asked, smiling. From my peripheral vision, Tyrone was eyeing me curiously.
"Yes," maagap din namang sagot niya sabay hawi sa kanyang buhok at inipit iyon sa kanyang tainga.
She's really pretty. Hindi man siya kaputian ay makinis ang kanyang balat. I also loved her brown eyes.
"You're working here?"
"Hindi ba obvious?" Nakangisi pa niyang inginuso ang suot na uniporme at maluwag na ngumiti.
"Oh y-eah... of course..."
That was so stupid of me to ask. Obvious naman sa uniform, Chance!
"I'm glad to see you again." And, I actually meant it.
"Someone here is in love," nanunukso pang sabi ni Terrence sabay inom ng vodka shot.
"Work muna ako. Iwan ko na kayo," paalam pa ni Jordan sabay kagat sa kanyang labi.
Would it be possible that she liked me?
"Yeah, we're just here," I said flirtatiously.
"That woman has a body!" pumapalatak pang sabi ni Dalton habang pinagmamasdan ang likuran ni Jordan.
I couldn't blame the guy, though. The girl got the body of a coke aside from the fact that she was really pretty.
"I couldn't agree more," sang-ayon din naman ni Vaughn na nakatitig rin sa puwitang bahaging iyon ni Jordan.
"Hey, enough of that. Mamahalin ko pa 'yan," nakangiting biro ko.
"Gad, dude. Mukhang tinamaan ka talaga ka, a! Akala ko pa naman bading ka!" sabi pa ni Terrence sabay halakhak nang malakas.
"Tarantado!" sabi ko pa sabay akma ng suntok sa kanyang mukha.
Hindi ko naman din sineseryoso ang biro na iyon dahil alam na alam nilang straight ako. Hindi nga lang din kasi ako mahilig mambabae katulad nina Vaughn at Dalton.
"You have an eye for that chic, dude. Sunggaban mo na dahil for sure 'di ka tatanggihan n'on! Sa yaman at sa looks mo pa lang, mauulol na ang babaeng 'yon!" nakangising sabi ni Vaughn.
"Lubayan n'yo nga ako! Panira kayo ng diskarte!" Umiling ako at bigay-todong sumandal sa sofa.
Jordan was not really bad. Sa buong buhay ko ay si Kirsten pa lang talaga ang hinangaan ko. I actually couldn't recall laying eyes on anyone. And maybe, just maybe, Jordan was the key for me to totally forget my feelings for Kirsten.

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomantizmMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...